Nung umalis si Dos ay pumunta pala siya sa bar. Hindi sa bar na laging nilang pinupuntahan dahil baka masundan siya kundi sa bar na ayaw nilang puntahan dahil sa pagkakaalam nilang lahat ay parang lahat ng pumupunta dito ay mga jejemon.
DOS' POV
Eh hindi naman sila mukhang jejemon ah. Teka, makaupo nga muna dito.
"Vrad? parang vago ka lang yata dito at di mo alam na fwethto namin yang inuufuan mo ah?" sabi ng lalaki sa likuran ko
(v = b, v; f = p, f; th = s, th)
Medyo natawa ako dahil hindi ko naintindihan yung sinasabi niya. Hindi niya kasi mapronouce ng mabuti yung ibang letters dahil sa braces niya.
"Who asked?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Ipinatong niya lang ang kaliwa niyang kamay sa balikat ko na parang sasaktan niya ako kapag di ako tumayo sa sinasabi niyang pwesto DAW nila kaya bigla na namang kumulo yung dugo ko.
Pagkapatong ng kamay niya sa balikat ko ay agad ko itong hinawakan ng mahigpit ng kanan kong kamay. Tumayo ako at pinilipit ko yung kamay nila papunta sa likuran niya. Napasigaw siya sa sakin. Napa-smirk na lang ako sa reaksyon niya.
Susugurin na sana ako ng dalawa niya pang mga kasama pero dumating yung may-ari kaya binitawan ko na yung lalaki. Sayang nga at di ko napakilala sa kaniya kung sino tung minamaliit niya.
"Anong kaguluhan tu?" tanong niya
"Wala fo vothth. Kaivigan ko fo tu. Claththmate ko thiya nung hith thchool" sabi niya sabay akbay sakin.
Agad naman akong napaisip kung kilala ko ba tung lalaking tu. Pero kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga maalala.
"Ah akala ko kasi nag-aaway kayo. Sige pasok na ulit ako at kumuha nalang kayo ng kahit anong gusto niyo jan. Balato ko dahil nanalo yung team natin sa basketball" - sabi nung may-ari at tumalikod na.
"Kaibigan ba tal.." tatanungin ko sana siya kung kaibigan ko ba talaga siya pero tinakpan niya yung bibig ko. Nalaman ko na nagpapalusot lang pala siya sa may-ari kaya kinagat ko yung kamay niya. Susuntokin niya sana ako pero napigilan ko siya.
"Oops, magkaibigan tayo di ba?" panakot ko para di niya ako saktan. At isa pa, kailangan kong sumama sa kanila kasi libre yung lahat ng kukunin nila at baka magmagandang loob silang bigyan din ako. Tinitipid ko yung dala kong pera para di pa ako makauwi.
Natakot nga siya at ibinaba na yung kamay niya.
"Ano po yung sa inyo sir?" tanong nung bartender sa kanila.
"Gaya farin ng falagi. Fathuvrahan mo ng itha dahil afat kami" sagot nung lalaki
"Po sir?" tanong nung bartender at natawa na lang ulit ako ng patago.
"Kagaya parin daw nung palagi. Apat daw. Bingi ka ba?" sabi nung kasama niyang hypebeast.
"Sorry po Sir." Pagpapaumanhin nung bartender at may kinuha sa loob
"Alam mo bang subrang lakas at bilis ng mga kamay mo?" tanong sakin nung isa pa nilang kasama na mukha lang namang normal. Di kagaya sa mga kasama niya.
"Trained kasi ako" sagot ko pero di talaga ako trained. Gusto ko lang silang pagtripan at gusto ko ring matakot sila sakin.
"Ako nga pala si Luhan. Yung nakabraces, si Kuya Kris. At yung isa ay si Kuya Tao. Magkakapatid kami at si Kuya Kris yung panganay" pagpapakilala niya
"Dos," pagpapakilala ko, "May dalawa din akong kapatid at lalaki din lahat. Sina Uno at Tres"
"Tatlo lang kayo? Kami apat. May bunso pa kaming babae"
Medyo marami din kaming napag-usapan ng mga oras na yun. Ewan ko lang pero mas masaya silang kasama kaysa sa mga kapatid at kabarkada ko.
"Uy teka, anong oras na ba?" tanong ni Tao.
"Magte-10 na. Tara uwi na tayo. Baka nag-aalala na sa'tin si Leng." – Kris
"Uwi na kami Pre." sabi ni Luhan sabay tayo sa kinauupuan niya. Tumango lang ako at inubos na yung iniinom ko.
Balak ko sanang kina Knight nalang muna tutuloy kaso baka wala siya sa kanila kaya uuwi nalang ako.
Pagdating ko sa may gate ng bahay ay bumaba ako para buksan sana ang gate kaso lock ito. Pagtingin ko sa taas, nakita kong bukas ang ilaw sa office ni Uno kaya bumalik ako sa kotse at bumusina. Kinilabutan ako nung bumukas yung pintuan namin dahil parang may mga dugo yung damit niya. Nung nasa gate na siya, nakita ko na paint lang pala na parang natapon sa apron niya. Hindi na ako nanibago dahil subrang clumsy niya talaga. Pagpasok ko ay wala naman siyang sinabi sa'kin kaya dumeritso na ako sa kwarto at natulog.
BINABASA MO ANG
The 9 Pervert Boys and Me
FanfictionFirst story ko plng po ito. Pero feeling ko po maganda naman kalalabasan nito. Feeling ko lang😅. Exo-L po ako😍😅. Sana po may magkagusto😇😘. First story ko po ito at hindi po ako mahilig magbasa kaya medyo may mga mali-mali😅. Pero ginagawa ko la...