The Preparation 2

356 17 5
                                    

Kinabukasan ay maagang bumalik si Cal sa bahay nina Tres at dahil late nang umuwi at maagang pang umalis si Cal sa bahay nila ay hindi na nila nakita ang isa't-isa ni Callie.

"Good morning, Yaya!" bati ni Callie sa yaya nila.

"Good morning din po Ma'am" sagot ng yaya, "nakahanda na po diyan yung pagkain ni Chloe at si Sir nga po pala ay maagang umalis"

"Saan daw po siya pupunta Ya?!"

"Hindi po sinabi Ma'am"

"Ahh.. ok po. Sige po papakainin ko na si Chloe at aalis din po ako Ya"

"Sige po Ma'am at maglalaba din ako. Mag-ingat po kayo lagi"

Matapos kumain ni Chloe ay kumain narin si Callie at nagtoothbrush, at naghanda ng isusuot, naligo, nagbihis, at lahat-lahat. Tapos nun ay pumunta din kina Everly.

Nang makarating na si Callie sa bahay nina Everly ay tamang-tama namang nagdidilig ng mga halaman si Everly kaya tinulungan siya ni Callie.

Sa bahay naman ng triplets ay nandon na silang lahat maliban kay Knight na walang kaalam-alam sa planong pagsusurprise.

"Oh nasaan na si Knight?" tanong ni Uno

"Ang tanong eh alam ba niya?" tanong din ni Dos

"Eh kung chinat niyo siya para malaman niyo. Mga bobo!" sinabi ni Max sabay irap.

"Ito na nga po. Kalma na po kayo." Pagpapakalma ni Ace kay Max. "ewan ko ba ba't tayo tumagal ng 8 yrs kahit araw-araw kayung nag-aaway."

"Tara na at magpapalobo pa tayo ng mga balloons at floaters" sigaw ni Cal na nasa garden na.

"Taena ang dami naman niyan" sagot ni Axl

"Taena mo rin, hindi ka ba mabubuhay kapag hindi ka nakakapagreklamo?" tanong ni Max kay Axl.

"Ikaw hindi k aba mabubuhay kapag hindi ka nagsusungit?" –Axl

"Ako na ang magluluto" – Brix na nasa kusina na

"Sama akoooooo...." – Ace habang tumatakbo papunta sa kusina

Bago pa makarating si Ace sa kusina ay hinala siya ni Max dahilan ng paglapit ng kanilang mga mukha.

ACE'S POV

Narinig kong magluluto daw si Brix. Alam naman nating napakagaling niyang magluto. Gusto ko siyang tumungan kahit tagatikim man lang.

"Sama akoooooo...." Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kusina. Ngunit hindi pa ako nakarating sa may pintuan nang para akong nagbounce pabalik sa pinanggalingan ko. Hindi ko na alam ang mga nangyayare. Basta parang nagslowmo yung paligid. Wala akong naririnig na ingay maliban sa romantikong tugtog na parang violin. Blur ang paligid at iisang mukha lang ang nakikita ko. Pink ang labi, matangos ang ilong, nang-aakit na mga mata at... at.. attt.. malalaking tengaaa.. bigla siyang nagsalita, "wag na wag kang lumapit sa lalaking yun" ang ganda ng boses niya. At parang biglang nagfastforward yung paningin ko nung binitawan niya ako na hindi ko alam na nakasandal pala ako sa kanya kaya na umpog yung ulo ko sa sahig at bumalik ako sa katinuan. Joke lang d ako matino.

"Aray ko naman Maximus Caspere! Pasalamat ka mahal kit..." natigilan ako nung narealize ko yung mga sinasabi ko at bumalik nalang sa pagpapalobo ng mga balloon.

Makalipas ang ilang oras ay natapos narin yung pagdedecor nila. Maya-maya din ay nakarating na rin si Knight.

"Uy gago bat ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay sayo" – Axl

"Bakit? May maitutulong ba ako dito?" – Knight

"Sa bagay. At salamat nga pala at hindi ka gumawa ng palusot kasi halata naman sa mga kissmarks sa leeg mo kung saan ka galing." – Dos

"Naku yung trampoline pala nakalimutan natin" – Ace

"TARPAULIN! Tanga! " ­- Dos

"Trampoline yan samin. Hindi ka kasi tagadun" – Ace

"Sige na Ace, kunin niyo nalang dun ni Knight sa pinagawaan namin" – Cal

"Tara na. Sasama ako at baka kung saan-saan pa kayo makapunta" – Max

Matapos ang kalahating oras ay ready na ang lahat sa labas at ang pagkain nalang ang kulang dahil si Brix lang ang nagluluto kaya tinulungan nila ito. Pero ang tamad na si Knight at ang takot kay Max na si Ace ay nasa sala lang. Nanonood ng alam mo na.


The 9 Pervert Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon