Bad Morning

115 6 0
                                    


Kinabukasan, 5 AM, nagising sina Cal at Callie dahil sa ingay na kanilang naririnig sa palibot ng kanilang bahay. Bumangon si Cal at agad na sumilip sa bintana. Nakita niya ang tatlong kapatid ni Everly na nasa labas at pinagbabato nila ang bahay nina Cal at Callie. Nakita nung isa si Cal na nakasilip sa bintana at agad niya itong binato ngunit hindi niya ito natamaan. Naiinis si Cal pero nung nakita niya hindi umabot sa bintana niya yung bato ay natawa na lamang siya. Si Callie naman ay bumangon na rin at kinuha yung cp niya. Titingnan niya lang sana kung anong oras na pero nakita niya sa notifacation ang mga death treats para sa kanila ng kuya niya na alam niyang galing sa mga kuya ni Everly. Sa pag-alala ni Cal ay pumunta agad siya kwarto ni Callie.

"Baby, bumaba ka na dun at baka matamaan nila yung bintana at matamaan ka ng bubog. Teka, ano ba yang tinitingnan mo sa CP mo?" sabi ni Cal sabay hablot sa CP ni Callie.

"Hindi ko na tatanongin kung sino tu kasi halata naman na kung sino." – Cal

"Ano gagawin natin ngayon Kuya? Natatakot po ako" – Callie

"Ba't ka naman matatakot eh nandito naman ako? Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Tumawag na po tayo sa pulis.."

"Wala akong load eh.. Papuntahin ko nalang sina Uno dito"

"Hmmm.. sige po.. Bababa na po ako at magluluto"

Bumaba na nga si Callie at nagluto ng kanilang kakainin. Si Cal naman ay nagchat na sa GC nilang siyam.

Cal : Guys?

Cal : Busy ba kayo?

Cal : Guys reply!!!

Cal : Guys, may ginagawa ba kayo?

Cal : Guys?

Cal : Guys??

Cal : Guys???

Cal : Guys????

Cal : Guys?????

Cal : Guys??????

Cal : Guys???????

Axl : Hoy putang-inang raindrops ka!!!!!!! Ang aga-aga, subrang ingay mo na!!!

Cal : May problema kasi dito sa bahay

Ace : Good morning honey butter coconuts.. Hart hart

Max : Good morning din. Kamusta yung tulog mo?

Tres : Guys, tama na muna yung landi.. Si Cal may problem..

Knight : Eh kamusta si Callie?

Axl : Puro nalang Callie yang iniisip mo.

Cal : Basta, pumunta nalang kasi kayo dito sa bahay.. Dito nalang din kayo kumain.

Axl : Tss.. fine

Uno : OTW

Axl : Ambilis kapag pagkain ang pinag-uusapan ah?

Uno : Tumahimik ka nalang

Max : Sunduin na kita jan sa bahay niyo Ace.

Ace : Sige po..

Napansin ni Cal na wala nang bumabato sa bahay nila kaya sumilip siya ulit sa bintana. Nandon pa rin yung tatlo pero nakaupo nalang sila at parang nagpa-plano.

"Kuya, kakain na tayo" sigaw ni Callie na tapos nang magluto ng kanilang kakainin.

Bababa na sana si Cal pero napahinto siya nung may naramdaman siya. Akala niya lumilindol pero maya-maya ay nakarinig siya ng tunog ng truck. Narinig niya ring huminto ang truck sa harap ng bahay nila. Sinilip siya ulit sa bintana at nag-akala siyang yung mga kaibigan niya yung dumating na nant-trip lang.

"Ay putang-inang shet," napamura si Cal sa nakita.


ANO KAYA ANG KANIYANG NAKITA?

The 9 Pervert Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon