The Death

171 11 1
                                    

Kinabukasan, umungol ah este umugong ang balitang namatay daw sa saksak si Everly. Natagpuan ito sa may banyo nila na may tatlong saksak sa leeg, lima sa tiyan, isa sa may puson, isa din sa tagiliran, bali ang kamay, punit-punit ang damit pang-itaas at wala nang damit pang-ibaba.

"Baby? Alam kong galit ka dahil sa fake news na ginawa ni Everly tungkol sa'yo, pero hindi mo naman siguro gagawin na magpakalat din ng fake news dba?" maagang pambungad ni Cal kay Callie nung makita niya ang post sa FB tungkol sa pagkamatay ni Everly.

"Hindi naman Kuya. Ba't ko pa gagawin yun kung alam kong masama yung ginawa niya?" – Callie "Bakit po ba?"

Ipinakita ni Cal ang trending na post. Pero hindi pa muna sila naniwala kasi pareho silang naniniwala sa kasabihang once a cheater, always a cheater. Kaya ang ginawa nila ay lumapit sila sa bahay nina Everly. At totoo nga ang kanilang nakita sa FB. Nakita nilang may mga pulis sa labas ng bahay ni Everly. Nandon din ang ilan nilang mga kapitbahay – nakikichismis. Kinabahan silang dalawa. Alam nilang pwedeng maging suspect si Callie dahil nag-away sila bago ang araw na iyon. At hidni nga sila nagkamali, lumapit ang kuya ni Everly sa kanila nuung makita sila mula sa malayo.

"Alam niyo, walang kaaway yung kapatid ko," sabi niya ng nakangiti habang naglalakad papalapit sa kanila. "Maliban sa sayo" dugtong niya na nakatingin na ng matalim kay Callie.

Aatakihin niya sana si Callie pero naka-iwas si Callie. Agad siyang itinulak ni Cal. Napaupo siya ng sandali ngunit walang pag-aalinlangan siyang sinuntok ni Cal. Reresbak sana ang dalawa niya pang kapatid ngunit huli na ang lahat. Nakita na sila ng mga pulis at nilapitan.

"Sila po yung pumatay sa kapatid ko. Sa kawawa kong kapatid" – Kuya1 ni Everly

"Opo, sila po yung huling nakaaway at nakasama nung kapatid namin" – Kuya2

"Pwede po ba kayong sumama sa amin. May mga itatanong lang po kami" – Pulis

Sumama ng matiwasay sina Cal at Callie dahil alam nilang wala silang kasalanan. Isinama din ng pulis ang dalawang kuya ni Everly ngunit ang isa ay pinaiwan.

Hiwalay silang tinanong ng mga pulis. Nauna muna si Cal.

"Nasaan po kayo ng mga 3 am hanggang 4 am?" – tanong ng pulis. Estimated time kasi ng pagpatay is 3 to 4 am

"Nasa bahay po, natutulog na. Natulog po ako ng 8 pm at nagising ng mga 6 am po. Nagising pa po pala ako ng mga 3, pero para lang po umihi" – Cal

"Kayo daw ang huling nakaaway ng biktima? Maaari mo bang ipaliwanag ang nangyari sa inyo?" – Pulis

"Hindi po totoo na kami ang huling nakaaway ni Everly. Yung kapatid ko lang kasi ang nakaaway niya kaya hindi maaaring sabihing KAMI ang nakaaway niya. Pero oo, nakaaway niya nga yung kapatid ko pero dahil lang yun sa ginawang kasalanan ni Everly sa kaniya na gumawa siya ng kwentong hindi naman totoo. Sasabihin ko sa inyo na hindi magagawang pumatay ng kapatid ko. Takot nga yun sa dugo eh." mahabang paliwanag ni Cal.

Marami pang tinanong ang pulis kay Cal. Tinanong din ng pulis ang kuya ni Everly dahil sa kunting maling sinabi nito.

"Paano mo nasabing sila ang pumatay sa kapatid mo?" – Pulis

"Tumawag pa po siya sa akin kagabi. Umiiyak siya. Sinabi niyang nag-away daw sila ni Callie at muntik na daw siyang saksakin nito" – Kuya2

"Paano mo rin nasabing silang dalawa ang pumatay kung ang sinabi lang ng kapatid mo ay itong si Callie nga lang ang nakaaway niya?" – Pulis

"Nakita niyo naman kanina diba? Handang mambasag ng mukha nung kapatid niya para sa kaniya" – Kuya2

Sunod na tinanong si Callie

"Saan ka nung mga 3 am hanggang 4 am?" – Pulis

"Nasa bahay po ako at natutulog na po" – Callie

"Bakit kayo nag-away ng biktima?" – Pulis

"Nag-aaway po kami nung nakita ko sa CP niya ang acc ng isang TJ Guanzon na alam kong dummy acc niya na siyang nag-chat sa kuya ko na buntis daw po ako na hindi naman po totoo" – Callie

Tinanong din kay Callie ang mga itinanong sa kuya niya. Tmugma ang kanilang mga sagot.

"Sa ngayon ay papakawalan namin kayo kasi wala pa kaming nakikitang proweba na kayo ang pumatay sa biktima" – Pulis

"Hindi po maaari" – Kuya2

Nakauwi sina Cal at Callie sa kanila kahit anong pigil ng mga kapatid ni Everly na ipakulong na sila.

The 9 Pervert Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon