LQ

123 7 0
                                    


"Ay putang-inang shet," napamura si Cal sa sarap ah este sa nakita.

Gulat na gulat si Cal sa nakita niya.(At medyo natawa rin siya). Nagpadeliver pa talaga yung tatlo ng mga bato na ibabato sa bahay nina Cal.

"Iba din ang katangahan ng mga to eh. Nasa highest level" – sinabi ni Cal habang pumapalakpak ng mabagal.

Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga kotse sakay ang walo. Agad na nakilala ni Dos ang tatlo. Sina Kris, Tao at Luhan. Nakita niyang binabato nila ang bahay nina Cal. Nakita niya rin sa mga mukha ng mga ito ang subrang galit. Hindi sila pinadaan ni Cal sa main na gate dahil baka batuhin din sila at hindi niya rin naman mabubuksan yung gate na yun dahil nakaabang ang tatlo. Sinabi niya na sa likod dumaan.

Pagdating sa loob ng bahay nina Cal ay napansin ni Knight na parang ang tahimik ni Dos.

"Uy, kanina ka pa tahimik ah?" – sinabi ni Knight habang parang hinihimas ang likod ni Dos at umupo siya sa tabi nito.

"Wala, masakit lang katawan ko" – Palusot ni Dos na ang totoo naman ay iniisip niya yung tatlo sa labas na bato parin ng bato.

"Hindi naman natin ginalingan kagabi ah?", Biro ni Knight kay Dos

"Pinagnanasaan mo ba ako?" – Dos

"Eto naman, kung ano-ano agad yung pumapasok sa utak.", biro ulit ni Knight. "Pero eh paano kung oo?", seryosong tanong ni Knight.

"Anong paano kung oo?" tanong ni Dos na parang naguguluhan.

"Paano kung pinagnanasaan nga kita?" tanong ulit ni Knight na subrang seryoso pa rin.

Napatingin si Dos kay Knight at napabuntong-hininga.

"Wag mo nang dagdagan yung mga iniisip ko Knight" – Dos

"Ok", nakangiting sinabi ni Knight pero halata ni Dos sa kaniyang mga mata na parang nasaktan ito. Tumayo si Knight at umalis. Si Dos naman ay sinundan lang siya ng tingin.

"Akala ko kasi nagj-joke ka lang, ba't mo naman kasi seneryoso?", bulong ni Dos

Napansin siya ni Cal at nilapitan.

"Sino kausap mo?" – Cal

Nagulat si Dos dahil hindi niya alam na may tao pala sa likuran niya.

"Wala, may iniisip lang kasi ako.." – Dos

"Si Knight?", tanong ni Cal na abot tenga ang pagngisi

"Oo. Ah hindi", nadudulas pang sagot ni Dos

"Tss.. haha. Nahuli ka na kaya wag ka nang gumawa pa ng palusot" – Cal

"Hindi nga kasi siya yung iniisip ko!", depensa ni Dos sa sarili

"Sige, kunware naniniwala na ako. Eh ano o sino naman yung iniisip mo?" - Cal

"Ang iniisip ko ay yung tatlo sa labas. Nakilala ko na sila at naging kaibigan ko pa. Hindi ko lang talaga akalaing ganyan pala ang ugali nila. At mas di ko inakalang dito at sa ganitong sitwasyon ko pa sila ulit makikita. Oo, pangit ang way ng pagkakakilala namin pero naging mabait naman sila sa akin pagkatapos nun. Naging OK naman yung pagsasama namin. Gusto ko pa nga silang makasama ulit pero nagbago ang pananaw ko nung nakita ko silang nagwawala dun sa labas kanina pagdaan ko sa may main gate ninyo."

"Oh tapos ka na sa pagd-drama mo?" – Cal, habang inaalis ang suot na headphones.

"Ay put... Hindi ka nakikinig?!" – Dos

"Nakikinig.. haha.. Hindi siya naka-on. Pakinggan mo pa" – Sabi ni Cal at binibigay niya kay Dos ang headphones pero hindi na pinakinggan ni Dos dahil naniniwala naman siyang off yun.

"Oo na" – Dos

"So ibig-sabihin, kilala mo sila?" -Cal

"Oo, Nakilala ko sila nung pumunta ako sa bar na ayaw niyong puntahan. Yung sinasabi ninyong bar na maraming jejemon. Pumunta ako dun para magtago sa inyo at ayaw kong umuwi." – Dos

"Oh edi nakita mo na tama yung sinasabi namin? Na mga jejemon nga yung mga nandon?" – Cal

"Medyo.. Hindi naman kasi lahat ng nandun eh jejemon.. haha" – Dos

"Pero karamihan?" – Cal

"Oo, yung iba OK din naman" – Dos "Hmmm hindi na muna siguro kami magpapakita nina Tres at Uno sa kanila di ba? Pwede din kasi nilang magpakamalang ako sila"

"Ikaw ang bahala.. Kung ano yung sa tingin mo ay makakabuti, ay yun yung gawin mo. Kasi ako, ayaw ko rin naman kayong madamay sa gulong ito. Ang dahilan lang naman ng pagpapapunta namin sa inyo eh para may makakasama kami in case na may gawin sila samin kasi dalawa nga lang kami dito. Babae pa yung kapatid ko, eh wala talaga kaming laban. Mabuti na yung naninigurado di ba? At isa pa, natatakot lang naman ako para sa kapatid ko. Alam ko kasing siya talaga yung pinakapunterya nung mga yun. At saka..." napahinto si Cal sa pagsasalita nung napatingin siya kay Dos. Hinablot ni Cal ang sinuot ni Dos na headphones. Tumawa lang ng malakas si Dos.

"Hay naku, diyan ka na nga" sabi ni Cal at pumunta sa kusina. Pinuntahan niya sina Uno at Tres na kumakain pa rin. Sumunod si Dos at sinabi na nila ang kanilang pinag-usapan.

Matapos nilang mag-usap ay napagpasiyahan na nilang sabihin sa lahat ang plano. Umakyat na sila sa taas at pumasok sa kwarto ni Cal dahil nandun sina Ace, Max, Axl at Brix.

"So agree na kayo sa plano? Na dito na muna kayo hanggang sa hindi na sila nanggugulo?" – Cal

"Dito kakain?" – Uno

"Ito naman.. Lagi nalang pagkain ang iniisip. Ikaw kainin ko diyan eh" – Ace

"Ehemm..." – Max

"Ay sorry po honey butter coconut, nadala lang ako ng emosyon ko", sabi ni Ace at niyakap-yakap si Max.

"Ambababoy ninyo!" – Dos

"Ang sabihin mo, naiingit ka lang" – Max

"Teka asan na yung asawa mo, Dos?" – Uno

"Luh, oo nga?" – Cal

Nagpalingon-lingon si Dos at wala nga siyang Knight na nakita sa kahit saan.

"Naku, baka nagtampo yun" – Dos

"Huh?" – Walo

"San pupunta yun?" – Brix

"Ano daw?" – Axl

"Ang sabi niya, naku, baka nagtampo yun. Bingi ka ba?" – Max

"Sino?" – Axl

"Malamang, si Knight! Bobo ka ba?" – Walo

Nagdali-daling bumaba si Dos. Pumunta siya sa CR, sa sala, sa kusina at sa garden. Sumulip din siya sa may main gate ngunit hindi niya parin nakikita si Knight. Pumunta siya sa likod ng bahay at hindi niya nakita yung kotse ni Knight. Kinabahan siya bigla dahil alam niyang sensitive ni Knight. Nakaramdam din siya ng takot at pag-aalala dahil baka kung saan-saan na pumunta si Knight. Gusto niya mang puntahan si Knight pero wala siyang ideya kung nasaan ito. 

The 9 Pervert Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon