"Teka, ba't nga pala kayo nandito?"- Cal
"Magyayaya sana kaming gumala eh" – Axl
"Oh ano pang hinihintay ninyo? Tara na!" – Knight sabay tayo sa kinauupuan.
"Wow, talaga bang lalabas kang may black-eye? Ha Knight?" – Brix
"Ha? Hakdog?" – Knight, sabay irap. "Ikaw nga may big-eyes eh"
"Gusto mong mablack-eye-yan ulit? Sa kabila naman para pantay?" – Brix na gumanti din ng irap.
Napagpasiyahan nilang dun nalang tumambay kina Cal at dun na rin kumain.
"Sino yung magluluto?" – Callie
"Kami ni Brix" – Tres
"Ahh.. Pwede ba akong tumulong? Kung di ako nakakaistorbo sa inyo.." – Callie
"Abay siyempre.. Naalala ko dati nung mga bata pa tayo, naglalaro tayo ng lutu-lutuan" – Tres
"Oo nga. Naalala ko din na lagi kang pinagtatawanan nina Uno at Dos dahil pambabae yung nilalaro mo" – Callie
"Inggit lang sila kasi may kaibigan ako. Yung bayang at sibuyas nga pala, hiwain mo na. Nasaan na kaya si Brix?" – Tres
"Sana taas pa yata siya" – Callie, habang naghihiwa ng sibuyas
"Sige tawagin ko lang muna" – Tres
"Or baka nasa.. Arayy ko yung mata ko.. Arayy" – Callie, habang nakahawak sa mata niya.
"Oh napano ka?" – Tres
"Yung mata ko" – Callie
"Wag mong hawakan. Teka, hihipan ko" – Tres
Hinipan ni Tres ang mata ni Callie at nakita sila ni Dos. Si Dos ay nasa hagdan at kung titingnan mula doon ay mukhang hinahalikan ni Tres si Callie sa noo. Padabog na bumalik sa taas si Dos at binalewala lang siya nina Callie at Tres kasi akala nila pinagtripan lang nung pito sa taas.
"nagluluto na ba si Tres?" – Brix
"Hindi pa. Cal, uwi na pala ako. May nakalimutan lang akong gawin" – Dos
"Gagamitin mo yung kotse ko? Eh ano gagamitin namin mamaya?" – Uno
"Ihahatid ko nalang siya. Timing lang siguro pagbalik ko dito, luto na yung ulam" – Knight
"Koripot kasi sa gas. Ano pakinabang ng pagkakaroon niyo ng tig-iisang kotse?" – Axl
"Alis na'ko guys. Enjoy kayo kasi yung isa dito enjoy na enjoy na" – Dos
"Sino kaya yung pinariringgan? Hahaha" – Cal
"Basta. Sige na, alis na'ko" – Dos
Pagpasok sa kotse..
KNIGHT's P.O.V.
"Sino ba kasi pinariringgan mo kanina?" tanong ko kay Dos
"Yung lokong Jayden yun!" inis niyang sagot
"Oh bakit? Kasi nagbreak tas makikitang magkasama ulit at ang sweet pa?" agad kong tanong
"Gago! JaDine yum! I mean si Flame Jayden!" sigaw niya sa'kin
"Oh, problema mo kay Uno?" tanong ko
"Tang-ina iba yung Flake Zayden sa Flame Jayden. Si Tres yung kinaiinisan ko! Hay naku Ines, mas dinadagdagan mo pa inis ko" sigaw niya at pinaglaruan pa talaga pangalan ko.
"Nakakatuwa?" tanong ko ulit sabay irap
"Hindi. Nakaka-Ines" sabi niya sabay tawa ng malakas
Aba ang saya pa niya ah. Nakalimutan na sigurong badmood siya.
"So, di kana naiinis kay Tres?" sabi ko sabay smirk.
"Ba't mo pa pinaalala?! At bat pa kasi si Callie yung pinupormahan niya eh alam niya namang may gusto ako dun!" pagwawala niya
Ay putang kupal to, gusto pa yata akong agawan. At dalawa pa talaga sila ha. Pero syempre alam kong ako ang magwawagi.
"Kunin niya na ang lahat wag lang yung Callie ko. Oo,sanay akong lagi kaming magkahating tatlo. Pero wag naman sana pati sa babae.." patuloy niyang pagwawala
"Huy tama na yan para kang bata eh! At wag kang magwala dito sa kotse at baka may masira ka pa!" sigaw ko pero di parin tumitigil sa pagwawala. Maya-maya ay nakarating na din kami sa kanila. "Oh nandito na tayo. Diyan ka sa bahay ninyo mambasag ng gamit. Para kang inagawan ng lollipop. Baba na!"
Padabog siyang pumasok sa bahay nila. Para siyang batang pinauwi ng nanay galing sa bahay ng kalaro niya. Natawa nalang ako habang tinitingnan siyang nagdadabog.
Nung nakapasok na siya ay umalis na rin ako. At tamang-tama nga ang pagkadating ko dahil naghahanda na sila para kumain. Nung kumakain kami ay wala naman silang natanong tungkol kay Dos. Matapos naming kumain ay nagpahinga muna kami at nanood ng TV. Napansin kong medyo nakikisalamuha na sa'min si Callie. Good news kasi mapapalapit kami sa isa't-isa, pero bad news kasi mas mapapalapit sila ni Tres na kababata niya pa naman. Buti nalang mas daks ah este mas gwapo ako dun.Halos dalawang oras din yung panonood ng TV at pag-uusap naming siyam. Medyo matagal narin at nagkakayayaan nang umuwi. Gusto ko pa sanang magpaiwan dahil 3:30 pm pa lang naman pero narinig kong nagpaalam si Callie kay Cal na pupunta siya kina Everly kaya uuwi nalang din ako at baka ano pa ang isipin ng mga lokong tu dahil kami lang ni Cal ang maiiwan.
A/n
Gusto ko lang po sanang malaman kung sino yung mga readers ko. Comment naman kayo jan at baka hindi ko pa kayo nafollow.
BINABASA MO ANG
The 9 Pervert Boys and Me
FanfictionFirst story ko plng po ito. Pero feeling ko po maganda naman kalalabasan nito. Feeling ko lang😅. Exo-L po ako😍😅. Sana po may magkagusto😇😘. First story ko po ito at hindi po ako mahilig magbasa kaya medyo may mga mali-mali😅. Pero ginagawa ko la...