Stuffed Toy

139 7 2
                                    


KNIGHT'S POV

Tss.. kaya ayaw kong magtapat ng feelings eh masasaktan lang ako. Ako lang din naman ang kawawa. Bakit ba kasi sa kaniya pa? Tangina, subrang nakakahiya. At dumagdag pa tung sina Uno at Tres na nasa harap ko. Akala mo, ilang years nang hindi kumain. Teka, asan na kaya yung iba? Siguro nasa taas sa kwarto ni Cal. Feeling may ari din kasi silang lahat eh. Mapuntahan nga sila at baka kung ano-anong kagaguhan na naman ang ginagawa nila don.

Nakakawalang gana talaga ang araw na to. Nakaka-Ines! Ay putang-ina, siya na naman yung pumasok sa isipan ko. Ba't nga kasi siya pa? Luh naluluha ako haha.

Ilang hakbang malapit sa pintuan ng kwarto ni Cal ay may nakita akong Doraemon na stuffed toy. Ngunit mas malapit ito sa pintuan ng kwarto ni Callie.

Hmmmm.. Kanino kaya tung stuffed toy na tu? Ay bobo ka ba Knight? Malamang kay Callie tu. Nakita mo bang meron nito si Cal? Di ba wala? Pero pwede ring kay Ace tu.

Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ko si Callie na nasa kwarto niya. Nakaupo at nagP-PC. Nakasando siya at short shorts. Ang kinis at ang puti niya.

"Shhh.. Knight Junior, magbehave ka"

Hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa akin

"Ah eh.. sa'yo ba tung teddy bear?" sabi ko sabay pakita sa kaniya at narealize ko na mali yung sinabi ko. "Stuffed toy pala" nakakahiya ka Knight.

"Luh, oo. Ba't napunta yan jan? Paki lagay nalang dito" sagot niya at itinuro ang table sa kanan niya.

"Naglalaro pa kasi ako. Salamat po.... hmmm... kuya" dugtong niya na halatang nagdadalawang-isip kung ano ang itatawag niya sa akin.

"Haha.. Kuya talaga? Babe ah este Knight nalang itawag mo sakin" sabi ko habang pumapasok sa kwarto niya. Oo na, sinadya kong sabihin yung 'babe'! Halata naman di ba?

Tumawa siya at tumingin sa akin. Ngunit bigla siyang huminto sa pagtawa at nakita kong napalitan ng pag-aalala yung saya sa mukha niya. May sinabi siya kaso parang hindi ko narinig kasi bigla akong natulala nung napatingin ako sa dibdib niya. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko sa kamay ko na parang hawak-hawak ko na yung dibdib niya at parang pinipisil-pisil ko ito.

"Huy!!!" sigaw niya at dahil dun ay nagising ako. Buti nalang sumigaw siya dahil kung hindi baka tumulo na yung laway ko. Nagising din ako sa katotohanan na yung stuffed toy na Doraemon pala yung pinipisil-pisil ko kanina pa. Hindi ko pa pala siya nalalagay sa pinapalagyan ni Callie. Sige Knight, ipahiya mo yung sarili mong manyak ka.

"Ahh.. Huh?" sabi ko habang nagkakamot ng ulo.(yung sa taas na ulo po)

"Sabi ko, bakit parang naluluha yung mga mata mo kanina?" tanong niya

"Wala, napuwing lang ako" sabi ko

"Tss.. akala mo ba, maniniwala ako? Eh gasgas na yang palusot mo eh" sabi niya at nagpatuloy na naman sa paglalaro. "Sabihin mo na kasi yung totoo. Baka may problema ka?"

"Oo na, sasabihin ko na yung totoo" sabi ko

Sasabihin ko na lang. Chance ko na din to para makausap siya ng matagal at kami lang. Wala lang sanang pumasok na epal.

"Sige sige, makikinig ako.." – Callie

"Nahurt lang kasi ako. Akala ko kasi kapag sinabi ko sa kaniya nararamdaman ko, matatahimik na yung loob ko kasi wala na akong tinatago. Yun pala mas iisipin ko pa siya lalo. At akala ko din na dahil magkaibigan naman kami, eh hindi niya ako sasakyan ah este sasaktan ng ganito" pag-eemote-emote ko, haha.

"Teka, teka.. Sino ba kasi yang sinasabi mo?" sabi niya sa subrang interesadong boses at tumingin ulit sakin.

"Hmmm.. Pwede bang isara muna yung pinto?" sabi ko. Una, para walang makarinig dahil nahihiya ako. Pangalawa, para walang may makakita sa amin. Pangatlo, para walang distruction. At pinakaimportante, pang-apat, para makapag-damoves ako.

"Sure, ikaw na magsara. Salamat" – Callie

"No probs. Basta ikaw" sabi ko sabay kindat sa kaniya.

"Luh, may pa kindat-kindat ka pa. Kala ko ba malungkot ka? Haha" – Callie

"Bakit bawal ba?" biro ko sa kaniya at isinara ko na ang pinto nang nakangisi. Di ko mapigilan eh.

Paglingon ko ay nagulat ako kasi nasa kama na niya siya nakaupo. Akala ko kasi ibang tao. Sumenyas siyang umupo daw ako sa tabi niya. Kaya lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Humarap siya sa akin at ako naman ay tinitiga.. shhh.. tinitingnan lang siya.

"So ano? Magtitinginan na lang tayo? Di mo pa ba sasabihin yung dapat mong sabihin o isasara pa natin pati ang mga bintana dito?" sabi niya.

"Ah.. (lunok ng laway) Naku, baka sabihin mo. Wag nalang siguro." Sabi ko habang pinipigilang bumaba yung tingin ko sa dibdib niya.

"Luh siya, hindi ah.. paano ko naman sasabihin eh baka nga hindi ko kilala yang sinasabi mo eh. Sino nga kasi? Sabihin mo na at baka di ako makatulog mamaya" sabi niya at nagpout.

Putang-ina, wag kang ganyan at baka di ko mapigilan ang sarili ko at malaplap ko yang cute mong lips.

"Oo na, sasabihin ko na basta wag mong ipagsabi huh"

"Hakdog" biro niya at tumawa in a cute way

"Sige, wag nalang?"

"Hindi. Oh ito na, serious na ako oh" sabi niya at umupo ng tuwid. At yun na nga, napatingin na ako sa dibdib niya. Ang sarap talagang lamusakin ng dibdib niya. Tangina, galit na si Junior.

"Huy! Tulala ka na naman po!" sigaw niya at nagpout ulit.

Ikinuwento ko na sa kaniya ang lahat. Inumpisahan ko sa pinakasimula, sa kung paano kami nagkakilala ni Dos. Syempre para mas humaba pa yung pagk-kwento ko. Susulitin ko na. Sinabi ko sa kaniya na nagkakilala kami ni Dos sa school. Hindi kami classmates pero magkabatch kami. Una kaming nagkita nung mas dance contest sa school namin. Each section ay mayroong representative. Ako yung sa amin at siya naman yung sa kanila. Subrang galing niya kaya kinabahan ako. Pero mas magaling ako kaya ako yung nanalo. Hindi namin alam na may ibang purpose pala yung contest. Gagawa pala sila ng group na lalaban sa school-to-school dance competition. Lima yung kinuha kasama kaming dalawa.

Marami pa muna akong ikinuwento bago ko ikinuwento nangyare kanina, kung bakit ako naluluha. Siya naman ay nakikinig at at nagtatanong din paminsan-minsan. Meron din siyang kinikuwento na tungkol naman sa sarili niya.

The 9 Pervert Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon