Ice-cream

164 9 0
                                    


Hindi niya na napigilan ang sarili. Sumugod si Callie sa kusina na kinaroroonan ni Everly habang tumutulo ang luha. Sinampal niya si Everly. Nagulat si Everly dahil hindi niya alam na alam na ni Callie ang kaniyang sekreto at nag-aakalang nagbibiro lang ito.

"Uy, Callie huh. Pwede ka nang pangbest-actress jan sa acting mo. Para talagang totoo" - sabi ni Everly at lalapit sana kay Callie

Si Callie naman ay mas nagalit dahil sa kaniyang sinabi. Kumuha si Callie ng kutsilyo. Naalala na ni Everly na hindi niya pala na-log out yung acc na ginamit niya sa pagchat kay Cal.

"Callie, sorry" - Everly

"Wow! Sa laki ng gulong idinulot ng ginawa mong kwento, sorry lang yung sasabihin mo?" - Callie

Gigil na gigil si Callie na parang gusto niya na itong saksakin ng milyong na beses. Gusto niyang hugutin lahat ng buhok sa katawan nito. Gusto niyang balatan ng buhay o ipakagat sa malalaking langgam.

Pero naisip niya na mali iyon at hinding-hindi maitatama ang isang kamalian ng isa pang kamalian kaya napagpasiyahan niyang umuwi na lang. Bago siya umalis ay may sinabi pa siya.

"Isa lang ang natutunan ko, totoo nga pala talaga na ' A jealous close friend is worse than a friendly hidden enemy" – Callie

"Sorry Callie, nagawa ko lang naman yung kasi na-iinggit ako sayo" – Everly

"Ow? So valid reason mo na yan para sa mga nasaktan at nagulo mo? Pro in a possitive way, salamat nga pala sa pagsabing naiinggit ka sa'kin, naprove mo pa tuloy na mas better nga talaga ako kaysa sa'yo" – Callie

Tumalikod na si Callie at umalis. Dumating siya sa bahay nila na basang-basa ang damit dahil sa kaiiyak. Wala siyang makausap sa bahay dahil si Cal ay nasa bahay ni Knight at si Yaya naman ay nagbakasyon muna sa probinsiya. Kaya ang ginawa niya ay kinain niya at ininom lahat ng pwedeng kainin at inomin sa na makita niya sa ref maliban sa tubig. Wala siyang paki kung wala nang makakain o maiinom yung kuya niya pagdating nito. Ito kasi ang paraan niya para humupa ang kaniyang poot na nararamdaman.

At maya-maya nga ay dumating na si Cal na gutom na gutom. Hindi kasi sila pinakain ng makasariling si Knight at naiwan niya pa yung wallet niya sa kwarto. Agad nitong tinungo ang ref ngunit nagulat siya nung makita niya mula palang sa malayo na subrang kalat ng kusina. Mas nagulat siya nung nakita niya si Callie na nasa tabi ng bukas na ref. Si Callie ay nakahiga habang hawak ang ikahuling icecream sa na kakainin niya na sana.

"Huy Baby, bumangon ka diyan! Huy Callie Sophia bumangon ka" sabi ni Cal na naluluha

Nagpapanic si Cal sa pag-aakalang patay si Callie dahil nasubrahan ito sa pagkain. Pero maya-maya ay nagising si Callie mula sa pagkakatulog. Natawa nalang si Cal nung nakita niyang mas inuna pa ng kapatid niya na kainin ang hinahawakang icecream kaysa sa pagbangon mula sa pagkakahiga nito.

"Galit ka na naman ba? Sino ang kaaway mo? Tara uupakan ko." tanong ni Cal.

Alam ni Cal na kapag galit na galit si Callie ay kumakain ito ng napakarami para malimutan ang galit nito.

"Mamaya ko na sasabihin kuya, tulungan mo muna akong ubusin tu, di ko na kaya" – Callie, sabay bangon

"Tss.. haha. OK, sabi mo eh" – Cal

The 9 Pervert Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon