Sa pagdating nina Uno at Tres sa bahay nila...
"Dos, kumain ka na ba?" – Uno
Hindi sumasagot si Dos kaya tinungo ni Uno ang kusina para tingnan kung may bawas ang pagkain sa ref pero wala itong bawas. Narealize niya na baka sa labas na kumain si Dos. Kakasara niya palang ng ref nung marinig niyang sumigaw si Tres na parang galit na galit.
"Putang-ina! sino yung nambasag at sumira sa mga gamit ko dito?" sigaw ni Tres
Agad umakyat si Uno at pinuntahan ang kinaroroonan ni Tres. Si Tres ay nasa pintuan at kakabukas palang ng kwarto niya. Nagalit siya nung nakita niyang subrang kalat na ng kwarto niya at ang mga gamit niya ay sira-sira na at hindi na mapapakinabangan. Lumabas din si Dos sa kwarto niya, katabi ng kwarto ni Tres.
"Ako, bakit may angal ka?" sagot ni Dos na naglalakad papalapit kay Tres at ang sama ng tingin.
"Huy!" pag-awat ni Uno sa dalawa na subrang sama na ng tingin sa isa't-isa.
"Problema mo ba?" sigaw ni Tres sabay tulak kay Dos na naging dahilan ng pagkaumpog nito sa pader. "kung badmood ka man, wag mong idamay yung nananahimik kong kwarto!"
"Huy! Hindi niyo ba ako naririnig!?" sigaw ni Uno at natahimik na sila. "dahil sinira mo yang mga yan, linisin mo at palitan mo ng bago dahil kung hindi, paaalisin na kita dito at hindi ka na makakabalik pa!"
"OK, di mo na ko kailangang palisin, ako na mismo ang aalis" – Dos
Gusto lang sanang takutin ni Uno si Dos ngunit seneryoso niya ito. Kinuha ni Dos ang susi ng kotse niya at umalis.
Makalipas ang ilang oras ay madilim na.
"Asan na kaya yung gagong yun?" – Tres habang tumitingin sa labas na parang nag-aalala.
"Hayaan mo, babalik din naman yun. Ilang beses niya nang ginawa yan pero umuuwi pa rin naman pag na-ubos na yung pera" – Uno "Dun ka na pala muna sa guest room matulog. Paano ka pa matutulog dun sa kwarto mo eh parang minassacre(minasaker) yung kwarto mo"
"Luh, ayoko ko dun" – Tres
"San mo ba gusto?" – Uno
"Sa kwarto mo.. hahaha" biro ni Tres
"Sige dun ka na! Kalalaking tao, napakaarte" – Uno
"Biro lang naman eh" – Tres
"Hindi! dun ka na nga kasi" - Uno
"Eh pano ka?" - tanong ni Tres
"Anong pano ako? Wala naman akong sinabing aalis ako sa kwarto ko ah. Alam mo na, baka di umuwi si Dos.. ehem" – Uno
"Ay putang-ina, seryoso ka?" – gulat na tanong ni Tres
"Biro lang, di kasi ako matutulog. Pagpupuyatan kong gawin lahat ng mga pinapagawa saking drawings at paintings para maibenta ko na agad. At para makabili na tayo ng mga bagong gamit sa kwarto mo" – Uno
"Pero si Dos yung..." – Tres
"Yung nakasira kaya siya yung magpapalit? Sus, kilala mo naman siya di ba?" pagputol ni Uno sa sinasabi ni Tres na napabuntong-hininga na lang.
Subrang dilim na pero wala parin si Dos.
"Di na siguro uuwi yun. Baka dun na yun matutulog kina Cal o kina Knight, pwede rin kina Axl o Brix, pero hindi siguro kina Max o Ace kasi baka siya naman yung pagseselosan." - Tres
"I-lock mo nalang yung gate dun at matulog ka na. Bubusina lang yan pag nandiyan na siya" – Uno
"Sige po, Kuya" – Tres
"Huy! Bat na mo ako kinu-kuya? Ampanget kaya" – Ulo
"Yung ugali mo kasi.." – Tres
"Blablablablabla.. matulog ka na dun at baka antok lang yan" – Uno "Ay teka, kuhanan mo pala muna ako ng beer diyan. Hindi na ako makatayo dito kasi pinalilibutan ako ng mga paints – baka masagi ko pa at magkandatapon."
Sinunod agad ni Tres ang inuutos sa kaniya ni Uno at natulog na rin kagaya ng sinabi sa kaniya ni Uno.
BINABASA MO ANG
The 9 Pervert Boys and Me
FanficFirst story ko plng po ito. Pero feeling ko po maganda naman kalalabasan nito. Feeling ko lang😅. Exo-L po ako😍😅. Sana po may magkagusto😇😘. First story ko po ito at hindi po ako mahilig magbasa kaya medyo may mga mali-mali😅. Pero ginagawa ko la...