Deceived I

3.4K 118 0
                                    

Matagal ko nang alam na hindi ayon sa akin ang kapalaran. Bata pa ako nang tinanggap ko iyon ng buong-buo. Ang kakaibang trato sa akin ni Papa, ang pagsusuot ko ng mga gamit na panlalaki, pati na rin ang kawalan ko ng kaibigan sa paaralan.

Tinanggap ko lahat ng kawalang katarungan ng kapalaran ng buong-buo, kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang tinuturok ng karayom ang puso ko ngayon.

Dalawang linggo bago ako pinayagan ni papa na sumama sa kanyang trabaho, at ito ang napag-isipan kong dapat gawin.

"P-pwede b-ba kitang maging k-kaibigan?"

Iniisip ko kasi na kapag ginawa ko iyon, mawawala ang pagkabighani ko sa kanya. I will satisfy my curiosity and at the same time, I will gain a friend. It was as easy as killing two birds with one stone, but I didn't know its gonna be this hard.

Ibinaba ko ang tingin sa aking dalawang kamay. Nagtatagisan at nagpapalakasan ang mga daliri ko habang hinihintay ang kanyang magiging sagot, kabado sa kung anong dahilan.

Nang ilang segundo na subalit wala pa rin akong naririnig mula sa kanya, ibinalik ko ang tingin sa kanyang mukha.

Nakatingin ang kanyang matatapang na mata sa akin, na para bang sinusuring mabuti ang isang hamak na nilalang, ang kanyang mapupulang mga labi ay nakangiwi na animo'y nandidiri at ang kanyang dalawang kamay ay magkakrus sa kanyang dibdib.

Umawang ang kanyang mga labi bilang hudyat ng paparating na sagot.

"At bakit ko naman gugustuhing makipagkaibigan sa patpating kagaya mo?"

Kung gaano kagwapo ng kanyang mukha, ganun naman kasahol ng kanyang ugali.

Natural sa akin na kapag inilulugmok ako, tumatapang ang ugali ko. Ganoon ang natutunan ko sa aking ama. Ganoon ang paraan niya sa tuwing nag-eensayo kami.

Parang leon na bumangis ang aking mukha, at dahan-dahan ang pag-angat ng aking tingin patungo sa kanyang nakakatakot na mata.

Bumilis lalo ang tahip ng puso ko ng maghinang ang aming paningin pero pinilit ko iyong kalimutan.

"Pag napatumba ba kita, papayag kang makipagkaibigan sa akin?" Matapang kong tanong habang nakataas ang aking noo dahil lang sa naaangasan ako sa kanya.

Nag-iba bigla ang tabas ng kanyang ngiti. Napalitan ito ng isang nakakainis na ngisi na para bang sinisigaw niya sa akin na kahit kailan ay hindi mangyayari iyon.

Dumausdos ang kanyang mga mata sa aking katawan, pababa sa manipis kong balikat hanggang sa dulo ng aking mga daliri sa paa. Alam ko ang nakikita niya. Araw-araw kong sinisipat iyon sa harap ng pahabang salamin sa bahay. Alam kong malakas ang kumpiyansa niyang hindi ko magagawa ang nais kong ipagmalaki.

"Patpatin na nga, maangas pa."

Umismid ako.

"Pag napatumba kita, kaibigan mo na ako?" Pag-uulit ko sa aking tanong.

Sabi ni Papa ay para daw akong pangkarerang kabayo na may tabing sa magkabilang gilid. Kapag anong ginusto ko, doon lang nakatuon ang atensiyon ko. Ngayon ko palang napatunayan iyon.

"Hindi mo ako kaya." muling sagot niya kasabay ng pagtalikod sa akin.

Kier na pamahak. Akala mo makakawala ka sakin dahil tinalikuran mo ako?

Higit siyang matangkad kaysa sa mga kaedaran niya samantalang ako naman ay normal lamang na tangkad ng mga babae. Dahil dito kaya't umaabot lang ako sa kanyang leeg kapag ganitong magkausap kami ng harap-harapan. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit ayaw niyang maniwala. Ganun pa man, hindi ko ininda ang pagkakalayo ng agwat namin at agad siyang sinugod. Mabilis akong pumwesto sa kanyang harapan, hinawakan ang kanyang braso, iniayos ang aking katawan saka walang pasubali na initsa siya sa aking harapan upang bumagsak sa madamong lupa.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon