"Goddamnit.."
Ang mahinang mura niya ang bumasag sa katahimikan ng kwarto dahilan kung bakit napaayos ako ng pagkakaupo mula sa maliit na vanity chair.
Kasalukuyang nagsusuklay ako ng buhok dahil kagagaling ko lang din sa pagligo kaya sa salamin ko siya pinapanood habang busangot na gumigising, nakahawak pa ang isang kamay sa kanyang ulo.
I stood up and took the water I prepared for this exact moment. Alam kong gigising siya ng masakit ang ulo kaya naman ay naghanda na ako ng pagkain at gamot.
"Morning Love." Mahina kong bulong para hindi na makadagdag pa sa sakit ng ulo niya.
I made sure that the curtains are closed and that the only light will from the far lamp.
Mabagal na gumalaw ang ulo niya papunta sa aking kinatatayuan saka mahinang lumunok.
"Damn.." bulong niya pa.
Nagugulumihanang tumitig ako.
"What?" I asked.
Naiiling na ngumisi siya bago ako muling nilingon. "You look so fucking beautiful, my headache disappeared." Natatawa niyang saad saka inabot iyong tubig na hawak ko. "I'd give up forever just to wake up everyday with you."
"Bolero!" Sagot ko na may kasamang mahinang tawa.
Naupo ako sa kanyang gilid at maingat na kinuha iyong bed table kung saan nakapatong ang pagkain, pagdaka ay dinala iyon sa harap niya.
Inayos niya ang comforter saka ako hinintay. When he was about to take the spoon away from me, I shook my head and smiled.
"I wanna feed you tho." Saad ko na siyang ikinatuwa niyang lalo.
He smirked and playfully bit on his red lips. He looks so freakin' adorable, I wanna imprint this moment in my mind to remember forever.
Sinubuan ko siya at parang bata naman siyang naghintay, tuwang-tuwa pa at halos umikot na ang tumbong.
He was exactly on his third spoon when the questions I've been waiting for came. Pinigilan ko talaga ang matawa dahil nakikinita ko na kung paano ito matatapos.
Ang totoo niyan ay may nakahandang hidden cam sa gilid ng vanity mirror. Bago pa siya magising ay handa na lahat para dito. Alam ko na rin kasing itatanong niya kung anong nangyari kagabi, and since this is a very rare moment, I wanna take a documentation of it.
Lumunok ako para pigilin ang sarili ko sa nagkukumawalang tawa, halos mabulunan pa ako ng sariling laway.
"Ah, babe, what happened last night? I can't seem to remember anything after my twentieth shot." Pauna niya.
Kunwari ay kinunot ko ang noo ko. Ang mariing pagkakapinid ng labi ay dala ng matinding pagpipigil.
"You don't remember?" I adopted my most disappointed face, like he just forgot something so important.
Nagbaba siya ng tingin kanina sa pagkain pero noong marinig niya ang seryosong tanong ko, dahan-dahan din naman siyang tumunghay.
He swallowed hard, his eyes brimming with apprehension.
"W-what's wrong? D-did something happen.. b-babe?" Nagkakadautal niyang tanong, malamang na niraransack na ang sariling utak para sa kahit kaunting ala-ala.
Lumayo ako ng bahagya para mas makita ng camera ang itsura niya pero inisip niya siguro na galit ako kasi agad rin ang pagsunod ng katawan niya saken.
"Baby.. are you angry? W-why? What did I do?" Sunod-sunod pa rin niyang tanong habang hinahaplos ang aking braso.
Nakakiliti ... pero. Wait lang. Mamaya na ang landi Gia Svana.
BINABASA MO ANG
DECEIVED (Elites #1) COMPLETED
Romansa"Pag ang bakla ba nagmahal.. magiging lalaki na siyang tunay?" Gia Svana was forced to act like a boy since childhood. Ang parating habilin ng tatay niya ay para daw iyon sa kanyang kaligtasan. Everything was okay, anyway, until she met Kier---. Yea...