(Raw / Unedited)
Dalawang magkasunod na araw na hindi ako bumalik sa Graham. Hanggat hindi tuluyang nawawala sa isipan ko iyong huling nangyari sa eskwelahan ay talagang hindi ako bumalik. Kung hindi pa nga sa gaganaping entrance examination ngayon, paniguradong hindi pa talaga ako babalik.
Kaso eto na nga, at kasama ko si Love para mag-take ng exam.
Pumasok kasi ako sa paaralan at napag-alaman ko na ngayon na pala iyon gaganapin. Kung bakit walang kahit anong tarpaulin para ipaalam yun ay hindi ko rin alam. At wala na akong pakialam.
Basta ang mahalaga, mairaos ko ang araw na ito na hindi nakikita ang mukha ni Kier.
Kasi hindi ko talaga kaya.
Matutupok ako sa sobrang kahihiyan.
Kahit si papa nga na walang alam sa nangyari ay napansin ang hindi normal na pamumula ng mukha ko ilang oras na matapos mangyari yung engkwentro. Mas napansin niya ang pamumula ng mukha ko kesa sa band-aid na inilagay ng nurse para sa putok kong labi.
Mabuti na lang talaga at nakipagbasag-ulo ako at iyon ang idinahilan ko sa kanya kaya nabigyan ng hustisya iyong pamumula.
"Love, bilis!" Singhal ko sa kasama na nakatanga pa sa laki ng establisyemento sa harap niya.
Halos yakapin ko na siya para lang matabunan ako tuwing may mga estudyanteng daraan.
"Bakit kasi ganyan ka Gian. Para kang nagtatago sa sindikato e." Bulong niya sabay hagikhik.
Tangina. Kinikilig na naman!
Kung hindi ko lang talaga siya kailangan, baka kanina ko pa siyang iniwan dahil sa kupad niyang maglakad. Pansin ko nga na parang mas binabagalan niya pa ang paglalakad para mas magtagal kami sa ganitong ayos.
Ayos ka talaga Love! Talino mo! Bagay sayo ang pangalan mo na yan.
Halos ismiran ko siya sa sobrang iritasyon pero dahil nga may utang na loob ako dahil siya ang shield ko, hindi ko na lang ginawa.
"Nahihiya kasi ako kaya sana naman please please ... bilisan mo naman ang lakad." Halos magmakaawa na ako sa sobrang desperasyon.
"Okay sige." Anas niya saka ako mabilis na nilingon. May kung anong kislap sa kanyang mga mata at nakaguhit rin ang matamis na ngisi sa kanyang mukha.
Owkey. Delikado.
"Sa isang kondisyon. Hihihihi."
Cute ng tawa mong hype ka. Singhal ko sa utak ko. Tumirik pa ang mga mata ko sa utak dahil sa labis na iritasyon. Buhay na naman si impakta.
"Date tayo after ng exam deal?"
Di na ko nag-isip.
"Deal." Singhal ko.
Nagbubutil-butil na ang mga pawis sa leeg dahil sa kaba na kanina pang namamayani sa dibdib. Kahit yata ang makipagdate kay kamatayan susuungin ko na kaysa naman makaharap si Kier.
Lalong bumungisngis ang bruha pero salamat sa Dyos at naglakad na rin patungo sa exam hall. Mas mabilis na rin naman sa wakas.
Hay Dyos ko! Bakit kasi ako oa itong sobrang affected? E yung kanya naman yung nahawakan ah? Kanya naman yung bumukol, at hindi yung akin.
Bakit sobrang affected, e siya nga mukhang hindi naman!
Nagtagis ang bagang ko nang namataan siyang may kausap na babae sa hindi kalayuan. Walang bakas ng kahapon. Parang hindi nawala sa ikot ang kanyang mundo, samantalang ako nga, ilang araw nang walang maayos na tulog!
BINABASA MO ANG
DECEIVED (Elites #1) COMPLETED
Romance"Pag ang bakla ba nagmahal.. magiging lalaki na siyang tunay?" Gia Svana was forced to act like a boy since childhood. Ang parating habilin ng tatay niya ay para daw iyon sa kanyang kaligtasan. Everything was okay, anyway, until she met Kier---. Yea...