Imagine watching the guy you love chase a crying girl.
Someone that is not you.
Imagine looking at his face and seeing uncertainty.. fear .. and worry.. as he look at that woman, who has her beautiful eyes covered in tears.
Pakiramdam ko ay marahas na dinaklot ang puso ko sa aking dibdib saka iyon pinagdidikdik hanggang sa mapino.
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo. Tumayo at maghintay na maramdaman ng katawan ko kung paanong gumalaw muli. Manhid ang lahat sa akin, maliban sa puso ko na walang tigil sa pagwawala sa loob ng aking dibdib.
Hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Hindi ko na alam kung maglulupasay ba ako doon sa harap ng maraming tao, o kung ano pa ba ang dapat gawin.
Gusto kong pumunta sa cubicle at umiyak ng mag-isa pero hindi ko talaga magawang igalaw ang mga paa ko. Parang ang bigat bigat ng lahat sa akin. Parang mawawalan ako ng ulirat..
I was so close to losing my own mind when I felt a hand enclose my own. Hinawakan ako ng mahigpit saka ako dinala sa isang lugar.
"Cry.." the voice beckoned.
Sumikdo ako ng isa.
Sinubukan kong pigilan pero nasundan pa iyon ng isa pa.. at isa pa.. hanggang sa maririnig na sa apat na sulok ng kulob na lugar na iyon ang marahas kong pag-iyak.
Hinahampas ko ang sariling dibdib para kahit papano ay mabawasan ang sobrang pagsikip nun. Hindi ako makahinga ng maayos pero sinusubukan ko pa ring pigilan ang mga hikbi kahit hirap na hirap na ako.
Mahirap. Paulit-ulit ang paglalaro ng imahe sa utak ko. Paulit-ulit kong nakikita ang mukha ni Kier habang pinagmamasdan yung babae na yun paalis.
Kahit iyong mukha ni Adelanine ay hindi rin maalis sa utak ko.
Napapaisip tuloy ako kung ako pa ba yung bida sa kwentong to, o kung akala ko lang ay akin siya pero ako pala tong nakikisawsaw sa kanilang dalawa.
Baka lang ang ending e, hindi naman talaga ako yung dapat na sasaya.
"Gia.." narinig ko ang mahinang boses ni Kamila na tinatawag ako.
Sa sobrang pagkamanhid ko kanina, hindi ko na nakilala na ang humawak pala saken at nagdala dito sa lugar na ito ay si Kami. Na siya rin ang nagtulak saken para ilabas ang sumisiklabong sakit sa puso ko.
"What happened? Who's that woman? Why did Kier chase her?" Sunod-sunod niyang tanong.
Puro iling ang sagot ko.
Puro iling kase kahit ako ay hindi rin alam ang sagot sa mga tanong na yan. Kahit ako, yan din ang tinatanong.
Anong nangyari? Sino ba talaga siya? Bakit siya hinabol ni Kier?
Kaso kahit na ano pa mang tanong kung wala namang sagot, mananatili lang iyong mga tanong. Magpapaulit-ulit lang hanggang sa ikaw na mismo ang sumagot ng mga sarili mong haka-haka.
Pakiramdam ko ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko, kahit ano pa ang sunod na mangyari, wala na ring akong mahuhugot na pakialam. Kasi napapagod na ako ng sobra! At kahit pilitin ko, hindi na kinakaya.
Malapit na akong sumuko. Malapit ko na siyang sukuan.
"Stop crying then. Kung hindi mo rin naman pala alam ang lahat, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Kamila habang tinutulungan akong magpunas ng luha.
Sumikdo ako, puno ng pait ang damdamin na mababakas sa aking tinig. "H-hindi mo ba n-nakita Kami? O b-bulag ka lang?"
Pumalatak ang babae, hindi pa rin natitigil kakatulong sa pagpunas ng luha na naglalandas sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
DECEIVED (Elites #1) COMPLETED
Romance"Pag ang bakla ba nagmahal.. magiging lalaki na siyang tunay?" Gia Svana was forced to act like a boy since childhood. Ang parating habilin ng tatay niya ay para daw iyon sa kanyang kaligtasan. Everything was okay, anyway, until she met Kier---. Yea...