Deceived 27

1.7K 89 22
                                    

Pwede palang puso ang ngumingiti.

Pwede pala yung hindi ka tumatawa pero pakiramdam mo, kumpleto at buo ka.

Masaya.

I felt him stiffen when my lips touched his, pero hinehele ako ng pakiramdam na malayang sumasakop sa aking dibdib.

It was a simple kiss, it resembles much of the kiss we've shared when we were still kids and yet, it still made me breathless.

When I lifted my head, his eyes are still closed. Ang sarap ulitin pero sapat na ang isa para payapain ang nararamdaman ko. Bawing-bawi na siya sa maghapong lungkot na pinaramdam niya saken.

"Khian." Tawag ko sa pangalan na inaasahan niyang itatawag ko.

Pinapanood ko ang gwapo niyang mukha habang nakapikit siya kaya kitang-kita ko rin kung paanong nalukot iyon dahil sa narinig. Bago pa man magmulat ang mga mata niya at tumama sa akin, nakikinita ko na ang dilim na nagbabadya roon.

Napangisi ako, natutuwa sa alam kong mangyayari.

I am a first-hand witness of how jealous and possesive Kier can be. For sure, it won't sit well with him if somebody calls him Khian after kissing him. May inferiority complex yata to sa kakambal niya e.

"Dilat na. Gusto mo pa yata ng isa e." Bulong ko, may halong pang-aasar ang boses.

Dumilat nga siya at gaya ng inaasahan, puno iyon ng dilim. Hindi na napawi ang pagkakasalubong ng kanyang kilay at parang may dadaang bagyo sa kulimlim ng kanyang mukha.

Mas lalo tuloy akong natatawa kahit pinipilit kong itago.

Inismiran niya ako. "Walang araw na hindi ka seryoso no?" Pagalit niyang tanong kahit naman hindi makatingin ng diretso sa akin.

Seryoso? Mas marami ang araw na seryoso ako, pero mas pinipili kong magpasakop sa  tuwa dahil baka hindi ko kayanin kung iisipin ko ang lungkot.

Pero sa halip na isagot yan, mas lalo ko na lang siyang inasar.  "Oh, e bat hindi ka makatingin saken, kinikilig ka na naman?"

Umawang ang mga labi niya at namimilog ang mga matang binalingan ako, hindi siguro  makapaniwala na kaya ko siyang alaskahin kahit katatapos ko lang siyang halikan.

Nakakapalan siguro sa mukha ko.

Sus, ako lang to.

Naupo ako sa tabi niya, nagbukas ng bagong bote ng beer saka uminom sa bunganga niyon.

"Wala." Sagot ko sa una niyang tanong.

"Walang ano?"

"Wala... na bang pag-ibig, sa puso at di mo na kailangan..."

Humagalpak ako ng tawa dahil natatawa ako sa sarili ko. Kinanta ko kasi yung Wala na bang Pag-ibig ni Jaya, tapos parang feeling ko ang witty ko doon sa part na yun.

Pero parang kotseng pumiyok ang hagalpak ko noong mapansin na sinolo ko lang yung tawa. Nakatingin lang siya saken na parang hindi makapagdesisyon kung may sapak ba ko sa utak o wala.

Tinamaan tuloy ako ng hiya, ng very slight lang naman.

Tumikhim ako. "Baka  pagsisihan mo pag naging seryoso ako e." Ngingisi-ngisi kong sagot.

"Tss." Pumaswit siya bago inagaw ang hawak kong bote.

Shocked, I looked back at him and watched him drink, right where I drank, without any trace of disgust. Parang wala lang sa kanya na nilawayan ko na yun.

Hala, di pa kami nagpapalitan ng laway, fyi! Chaste naman lahat ng naging halikan namin, Lord!

Parang nagregudon lalo ang puso ko dahil sa mga ginagawa niya.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon