Kier
"Busangot ka na naman." Bungad saken nung magaling kong kakambal habang binubuhos ang tequila sa isang walang lamang baso.
Salampak akong naupo sa bakanteng sofa. Inihilig ko ang nananakit kong ulo sa sandalan saka hinilot ang sariling sentido.
Pakiramdam ko ay tumanda ako ng sandaang taon. Susmaryosep.
Kaming dalawa pa lang sa VIP kasi parating palang yung ibang mga sumpa sa lipunan, kanya-kanya na namang takas sa mga assignments nila. Buti na lang talaga at mapagpasensya si Bossing. Buti pa lalo at hindi kami isa-isang sinibak sa pwesto. E puro yata kagaguhan ang ginagawa namin sa buhay.
"Bad day at work." Simple kong tugon. Inagaw ko na ang baso ng alak sa mga kamay niya saka tinungga iyon. Bahagyang napangiwi sa unang guhit ng alak sa sikmurang walang laman.
Tinitigan niya ako. "Maayos na rin yan kesa naman 'yung wala ka sa huwisyo. Akala ko nga aabutin ka pa ng ilang linggo bago ka makakausap ng matino e. Himala ah!" Kambyo niya noong sinamaan ko siya ng tingin.
Naalala ko na naman.
Sino pa ang mawawala sa huwisyo kung ganon ang babantayan nila?
Nakakairita talaga. Hiyang-hiya ako sa sarili ko matapos kong gawin yung nangyari sa parking lot kanina. Sa tanang buhay ko, ngayon ko pa lang naranasan iyong magdasal na sana mahati ang lupa at kainin na lang ako hanggang sa makaabot ako sa mainit na core ng mundo.
Mas okay na sigurong magunaw kesa maulit yung nangyari.
Mabuti na lang at hindi na nagpumilit yung higad na yun pagkatapos kong pakitaan ng malupit na irap, kung hindi ay baka nabangasan ko na ang mukha niya. Yun na yung limitasyon ko sa isang araw!
"Kumusta pala? Anong malalang nangyari at ganyan ka kabadtrip?" Pang-uusisa ni Khian.
What he means is that, I am a motherfucking chill asshole. Hindi ako mabilis mabadtrip sa buhay dahil kaya kong makipagsabayan. Kaya nga kami tinawag na mga garapata ni Bossing kasi talagang puro kalokohan ang nasa utak namin nitong sina Winter at Reeve.
Kailangan ng malalang malalang dahilan para magseryoso kami.
Lalong nasira ang mood ko kasi nagflashback na naman! Walang hiya talaga. Araw-araw kong kikimkimin ang kahihiyan ng petsang to.
Imbes na sumagot, nilagok ko na lang ulit yung panibagong salin ng alak. Hinayaan ko ang pait noon na sumabog sa bibig ko habang dinaramdam ang init na gumuguhit sa sikmura. Pag siguro nalasing ako, hindi ko na maaalala yung kagaguhan ko kanina.
God, I really want to forget!
Nasa malayo pa ay nakikita ko na ang paparating na bulto ni Bossing.
"Oh, bat ang aga nito, hanggang 12 ang duty ah!" Si Bossing. Tinatanong kung bakit andito na ako kahit di pa tapos ang rounds ko.
Bahala siya sa buhay niya. Babayaran ko na lang yung ilang oras ng hindi ko pagpasok. Hindi ko na matagalan e. Kailangan ko nang mawala sa sarili.
"Busangot. May problema siguro sa binigay mong assignment." Sagot naman ni Khi.
Nagtama ang kanilang mga balikat bilang hudyat ng pagbati. Ako naman, dahil tinatamad, nakipag-fist bump na lang ako sa kanya.
Naupo si Caden sa sofa, ang dalawang paa ay nakapatong sa kabilang gilid ng upuan. "Bro, may problema?" Tanong ni niya.
He's the Boss, not because he was the best but because he has this genuine care for the elites. Ang turing niya sa amin ay mga kapatid niya, him being the first born. And we respect him for that.
BINABASA MO ANG
DECEIVED (Elites #1) COMPLETED
Romance"Pag ang bakla ba nagmahal.. magiging lalaki na siyang tunay?" Gia Svana was forced to act like a boy since childhood. Ang parating habilin ng tatay niya ay para daw iyon sa kanyang kaligtasan. Everything was okay, anyway, until she met Kier---. Yea...