Deceived 44

1.7K 113 35
                                    

Habang nagmamaneho pabalik sa building ng mga Montereal noong hapon mismo matapos naming kumain ni Adelanine sa mamahaling restaurant, hindi ko na napigilang mapangiti.

Konti na lang Gia. Konti na lang, pangako.

I closed my eyes and imagined her smiling face. Iyong mga walang habas niyang pang-aasar na parang magiging parte na ng buhay ko oras na dalhin ko siya sa altar. Iyong mga mumunting halik, mga yakap. Lahat, hanggang imahinasyon muna.

Hold on baby.. that's all I ask. Just please hold on.

Sa kabila ng lahat ng ito, ang pinanghahawakan ko na lang ay yung nararamdaman niya para saken. Na sana maalala niyang hindi ako kailanman natinag ng panahon, kahit noong nawala siya.

Napangiti ako ng mapait nung maalala ko ang hirap na dinanas ko noong unang taon ng kanilang pagkawala. Khian was at first supportive when I dropped all of my subjects just to look for her.

Papa wasn't happy.

Lalo noong pati yung intel ng bansa ay ginamit ko na rin para lang malaman kung buhay pa siya o patay na.

I gave up a lot that year. Papasok palang ang school year at dapat ay magjujunior high ako. Varsity player rin kami ng kakambal ko at naofferan na ako ng isang malaking eskwelahan sa ibang bansa para sa kanila magkolehiyo.

But I gave it all up when she was reported missing.

Walang araw na nananatili ako sa bahay para tumunganga sa tabi. I hired the best detectives using Papa's money. Halos masiraan ako ng bait nun, pero mabuti na lang at nalaman ko agad na buhay pa siya.

She's alive but she seemed to have vanished into thin air.

Kaya naman, bago pa ako napigilan ng kapatid ko, napasok na ako sa mundo ng mga Elites. I have one goal in life and that is to find Gian.

Pagkadating ko sa parking lot, nakita kong nagsisipaguwian na ang mga secretary na kasama niya sa floor. Usually, she leaves the office a little late than this bunch kasi nga workaholic siya.

I waited in front of my car again, but then another thirty minutes went by and she's still nowhere in sight.

Pumanhik ako para malaman kung ano pa ang kanyang ginagawa at kung bakit masyado niya namang kinakarir ang kanyang pagiging sekretarya.

Kaso nung tumingin ako, sinalubong ako ng saradong opisina. Pati yung mga boss yata ay maagang nagsiuwian.

Kaso tangina, nasaan nga siya?

Bumalik ako sa parking lot at muling sinipat ang mga taong papauwi. Napaka-imposible kasi na mauuna siyang lumabas kaysa doon sa tatlo, kina Mrs. Violet, Faith at Flavio. Baka pa ay may dinaanan sa loob at may kinausap.

Baka kasama ni Kamila!

Tiningnan ko ulit ang relos ko at saka napagtanto na halos isang oras na akong naghihintay. Mag-aala sais na pero ni anino niya ay hindi ko pa nakikita.

Nanghihinang kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at saka siya tinawagan. Pero nakakailang ring na't lahat ay hindi niya pa rin sinasagot.

Gia naman, wag naman ganito ulit. Halos mabaliw na ako noong unang nawala ka ng ganito, tapos uulitin mo na naman..

Sipain mo na lang ako o maski tadyakan, ipabugbog mo ako sa mga kuya mo pero wag ka naman nang mawawala ulit please.

Wag naman na yun. Takot ako dun.

After almost how many missed calls, I finally decided to send a message.

Me: Gia, I'm here at the parking lot. Where are you?

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon