"Gago ka ba?!" sa galit ko ay itinulak ko siya palayo.
Nakakainis na pagkatapos kong lumayo kahit gustong-gusto ko siyang makita, nandito naman siya na parang wala siyang ginawa sakin.
Nakakainis na kaya niya akong itrato ng ganito. Kung nilalayuan niya ako, edi sana hanggang sa katapusan ng buhay niya, wag na siyang magpapakita!
Unti-unting kumunot ang noo niya pero hindi naman iyon nagtagal dahil sumilay naman ang nakakaasar na ngiti sa kanyang labi. May kung anong ilaw na lumitaw sa kanyang galit na mga mata.
Halos umusok na ang ilong ko sa galit dahil sa nakikita ko sa mukha niya. Alam kong may masama siyang iniisip. Kahit di ko siya masyadong nakakausap, sa tinagal-tagal ng panahon na pinapanood ko siya, kaya ko na siyang basahin. At itong parang demonyong ngisi sa kanyang mukha ay paniguradong hindi magandang balita.
Alam kong hindi ko rin magugustuhan iyon kaya hinaklit ko na ang kamay ni Love para na rin makaalis kami sa harap ng pushcart at sa harap ng impaktong gwapong ito.
"Love, tara?" matigas kong usal habang hinihila siya palayo.
Sa awa ng Diyos ay tumango rin ang babae at sumama sa akin.
Alam kong mali na tinatalikuran ang kaaway. Sabi ni papa, kahit kailan ay wag na wag akong tatalikod kapag may kalaban ako. Sabi niya, kahit kaibigan mo, pwede kang saktan kapag nakatalikod ka na, kaya paano na lang kung kaaway mo pa?
Dapat sinunod ko siya noon. Dapat talaga naging masunurin na lang ako kay papa sa lahat ng pagkakataon. Edi sana, hindi nangyari ang mga nangyari. Edi sana, hindi ako nasaktan ng higit sa kaya ng bata kong puso.
Edi sana, hindi nagsimula ang mga bagay na naging dahilan kung bakit ako masyadong nasaktan.
Hindi pa kami nakakalayo mula sa kung saan naroon ang fishvendor at nakatayo ang impakto nang bigla kong maramdaman na umaangat na ako sa hangin.
Halos mahimatay ako sa gulat ng bigla akong kinarga ng ungas na Kier saka itinapon sa ere pagkatapos ay sinalong muli sa kanyang mga braso. Galit at halos malagutan na ako ng hininga ng bumagsak ako sa kanya at kumaripas siya ng takbo na para bang hinahabol siya ng sampong demonyong kalahi niya.
Rinig ko rin ang malakas na sigaw ni Love pero nawala rin naman iyon nang bigla niya akong itinawid sa kalsada papunta sa pulang sasakyan na nakatambay sa hindi kalayuan.
"Ibaba mo nga akong gago ka!?" nagpupumiglas na ako ng buong lakas pero hindi niya iniinda ang kislot ko. Para bang sanay na sanay siya sa mga gantong galawan na hindi man lang bumabakas sa mukha niya ang hirap.
"Ibaba mo ko sabi e!"
"Stop squirming or I'll drop you in the middle of this fucking hard cement."
"Edi gawin mo! Natatakot ba ako?"
Nilingon niya ang mukha ko at dahil sa lapit ng mga mukha namin, alam na alam ko kung saang parte dumako ang kanyang namumungay na mata.
Sabihin ko mang galit ako sa kanyang mga pinaggagawa sa akin, noong magtama ang mga mata namin, hindi ko na rin napagkit ang tingin ko sa kanyang mukha. Maging ang pagpupumiglas ay bahagyang tumigil dahil sa pagkahalina ko sa kanya.
Kung bakit pa kasi napakalago ng kanyang kilay, tapos perpekto pa ang kurba kumpara ng sa akin. Kung bakit kasi napakapula ng kanyang mga labi, at lumalabas ang maliit na biloy sa kanyang pisngi kahit ngumingiti siya o hindi.
Ang gwapo niya. Nakakainis na ang gwapo-gwapo niya!
Dahil sa pagkahumaling ko kaya hindi ko napansin na nabuksan niya na rin ang sasakyan. Marahil, kung hindi lang nagsalita ang nasa loob, malamang ay patuloy akong nalunod sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
DECEIVED (Elites #1) COMPLETED
Romance"Pag ang bakla ba nagmahal.. magiging lalaki na siyang tunay?" Gia Svana was forced to act like a boy since childhood. Ang parating habilin ng tatay niya ay para daw iyon sa kanyang kaligtasan. Everything was okay, anyway, until she met Kier---. Yea...