Deceived 14

1.8K 99 23
                                    

"Food. Breakfast." Walang gana niyang saad. Padabog pa niyang binigay sa akin yung paper bag. Galit na naman.

So ano, hahalikan ko ba siya everytime na nagseselos siya sa iba? Pwede naman din. Yiiiieeee. Nag-iirit yung mga impakta sa utak ko kaya pinagpapalo ko ng dos por dos para manahimik.

"Nag-abala ka pa. The dude's gonna buy me food for recess." I said matter of factly as I was pointing at the guy who was sitting right next to my chair. Hindi ko nakuha ang pangalan niya dahil lumapit na nga ako kay Kier.

"Nag-abala, hah!" He was incredulous. Nakataas pa ang dalawang kilay na parang hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ko.

Bumuntong-hininga ako. "He's asking for a favor, and I'm very willing to help ng may kapalit syempre, so yes Kier, inabala mo ang sarili mo." Paliwanag ko.

Mas lalong naningkit ang mga mata niya.

"Summer lang ako nawala pero ganyan ka na."

Anong ganito? Nagaabnoy na naman ang loko.

"Don't know what the eff you're talkin bout." Medyo irita ko na ring usal. Wala naman kasi kaming ginagawa noong lalaki. At wala namang nagbago saken. Pinapaliwanag ko lang ng kalmado kasi alam ko, andami-dami na namang tumatakbo sa utak nya. Doon siya magaling.

"May hidden agenda siya Gian! Maybe .. Maybe he's doing this to get closer to you! Anong alam natin baka pa nga, ikaw ang gusto niya!" Singhal niya dahilan para mapatingin na rin sa amin ang ibang estudyante.

Nakakahiya.

"Or maybe he's doing it to get closer to Love. Kung tutuusin, para nga to sayo para hindi na ko kulitin ni Love at magtigil ka sa kaabnoyan mo!" Singhal ko na rin tuloy.

Nagkatitigan kami.

"Hindi naman lahat ng lalaki kagaya mo." Pabulong ko pang anas.

"A-anong ibig mong sabihin?" Offended ang boses at may bakas ng tampo. Malupit talaga sa tampo tong isang to.

Hindi niya pa rin tanggap? Bakla siya. Natawa na naman yung isip ko. Literally, bakla siya kase nga lalaki naman talaga ako sa pananaw niya, pero technically hindi siya bakla kasi babae naman talaga ako. Ang gulo diba. Bwesit.

"Anong ibig kong sabihin? Sabi ko, hindi naman lahat ng yan, kagaya mo na.."

"Hindi ako bakla Gian." Pigil niya sa sasabihin ko. Matigas at may halong galit.

Ahhhhh.

Tinignan ko siya ng pailalim.

"Ano ka pala?"

"Lalaki ako na nagkagusto sa kapwa ko lalaki."

"Oh so, anong tawag mo sa ganun?"

"Lalaki."

Oo nga naman. Umismid ako. Medyo sarkastiko. Galing niyang kausap.

Tinitigan niya ako, kaya napatitig na rin ako sa kanya. Mababakas ang lungkot sa mala-salamin niyang mga mata. Bakit ba andali dali niyang basahin? Parang lahat ng emosyon niya, nagrereflect sa mukha niya. Yung kaninang inis ko ay napalitan ng awa. Para kasi siyang bata na nagtatampo. Nasasaktan.

Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.

"Tinitingnan ko lahat ng lalaki na nakakasalamuha ko tapos pinapakiramdaman ko yung sarili ko, akala mo ba Gian! Naghanap ako ng mga lalaki na sobrang gugwapo, halos ipagbigay na ng mga babae yung puri nila. I even tried finding guys na may physique na gaya sayo thinking na maybe, your femininity might be the trigger why I'm feeling like this, pero hindi. All of them, they don't do anything to me. Sayo lang ako ganito. Kaya intindihin mo Gian, lalaki ako." Pinagduldulan niya pa yung huling kataga kaya nagpaulit-ulit iyon sa utak ko. Nag-aapoy ng kung anong init ang mga mata niya, at pinamumukha saken nun na hindi siya basta-basta.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon