Akala ko yung nararamdaman ko sa kanya, hindi na yun lalala. Ang alam ko kasi, iniidolo ko siya. Ang pagpapakilala ko sa sariling nararamdaman ay iyong kapagka may gustong-gusto kang artista na araw-araw mong nakikita.
Iyong parang nasa ere ka, at hindi ka makababa. Kaya nga diba, palagi akong nanunuod sa kanya.
Kasi iyon ang nararamdaman ko. Para bang ang saya ko kapag nakikita ko siyang naglalaro. Kahit nga iyong makita ko lang siya ay natutuwa na ako.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula na magkaroon ako ng inggit sa mga babae na nakakasama niya. Marahil doon sa prom, o baka dati pa, hindi ko lang napansin kasi mas nakapokus ako sa kanya.
Hindi ko maintindihan yung galit ko noong hindi niya ako sinipot noong sabi niya ay maglalaban kami para makapasok ako sa grupo niya. Sa mga kaibigan niya. Para mapabilang ako sa mundo niya.
Hindi ko maintindihan yung iritasyon ko nung makita ko siyang may kasamang babae na base sa bulong-bulungan ay nililigawan niya.
Hindi ko maintindihan yung sakit na nararamdaman ko habang nakikita na nilalayuan niya ako, na para bang may nakakahawa akong sakit.
Yung sakit na hindi nagtagal ay napalitan ng galit. Yung galit na hindi rin nagtagal ay napalitan ng tuwa.
Tapos ngayon, bumalik na naman ulit sa pagkalito. Kasi saan ba nagsimula na lumala? Hindi ko alam kung panong parang isang maliit na buto palang yung nararamdaman kong paghanga tapos ngayon ay parang maliit na itong halaman sa puso ko.
Tapos ngayon nga ay muli na namang lumaki dahil sa mga naririnig ko.
"Dahan-dahan naman G. Ang hina-hina ko pagdating sayo."
Gumagalaw ang dalawang balikat niya habang nakatalikod saken, kaya alam kong umiiyak siya.
Umiiyak siya kasi nasasaktan siya.
Umiiyak siya kasi sinaktan ko siya.
Anong dapat kong gawin? Hahayaan ko ba na ganito kami? Iiwasan ko ba siya? Lalapitan ko ba siya? Tatanggapin ko ba yung nararamdaman niya?
"Bawal to Kier.".
"Yun naman yung sinasabi ko sa sarili ko gabi-gabi. 'Bawal to Kier. Tangina. Bawal to', kaso wala. May sariling utak amputa." garalgal ang boses niya nung sumagot siya saken.
Bawal nga. Anong gagawin namin?
Pano pag nalaman ni papa?
"A-anong gagawin natin?" Tanong ko, naguguluhan na rin. Naiiyak na rin. Pag nalaman ni papa to, panigurado hindi na ako dito papasok. Hindi niya na hahayaan na makita ko pa si Kier kahit kailan.
Kaya ko ba yun?
"Wala Gian. I'm sorry for burdening you with my feelings."
Hindi naman siya pabigat. Anong sinasabi niya, hindi naman siya kailanman naging pabigat.
Ang babata pa namin para makaranas ng ganito.
"Aalis na ako. Wag mong isipin yung mga sinabi ko, hindi na mahalaga yun." Matigas niyang usal habang unti-unti na ulit na tumatayo.
H-huh? Bakit siya aalis? W-what? Ganon na lang yun?
Pano ako?
"P-pano naman ako Kier?" Bulong ko nung humakbang siya.
At talagang iiwanan niya ko dito? Kasama yung utak ko na gulong-gulo?
"Sumama ka na palabas. Ala una na, baka ilabas na yung result."
BINABASA MO ANG
DECEIVED (Elites #1) COMPLETED
Romance"Pag ang bakla ba nagmahal.. magiging lalaki na siyang tunay?" Gia Svana was forced to act like a boy since childhood. Ang parating habilin ng tatay niya ay para daw iyon sa kanyang kaligtasan. Everything was okay, anyway, until she met Kier---. Yea...