"In short Boss, everything is a huge misunderstanding." pinakahuling saad ni Kier sa mahaba niyang litanya.
Tinignan ko ang wrist watch ko at nagulat na nasa labinlimang minuto lang naman pala siyang nagsasalita.
Pakiramdam ko kasi ay inabot kami ng isang taon sa haba niya magkwento, mygad! Kahit iyong pinakasimpleng detalye ay sinasabi niya pa!
"So, these bruises and injuries are brought by your girlfriend?" Halos manghang tanong nung tinatawag niyang boss.
GIRLFRIEND!
Hihihihi. Syet naman. Okay fine. Friends na kami nitong sindikato na to. Mabilis naman akong magpatawad kaya okay na din yan.
Nilingon ako ni Kier gamit ang kanyang seryosong mga mata.
Galit ba siya? Siya pa ang may ganang magalit! Pagkatapos ng lahat ng kalokohan niya, ako pa talaga yung pagagalitan?
Sumimangot din ako para ipakita sa kanyang hindi ako natutuwa, pero anong gulat ko na lang noong bigla siyang kumindat. Tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis.
Lasang lasa ng puso ko kasi bumilis ang pintig nito. Parang kusang lalabas sa selda kung saan ito nakakulong.
"Yes boss. She did it all." may tonong pagmamalaki na maririnig sa kanyang boses.
At hindi niya pa itinanggi! Wow! May himala sa langit! Hahahaha. Parang gusto kong umirit dahil sa kilig pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Tss." Rinig kong sabay-sabay na nagsinghalan ang mga nasaktan, maliban sa dalawang nakasuot ng unipormeng pang-pulis. Hula ko ay sila dapat iyong kunyaring magliligtas sa amin pero dahil hindi na natuloy.. ayun. Sila lang ang walang bangas.
Isa-isa ko silang tinignan ng masama saka inambaan ko pa ng suntok.
Sabay-sabay naman silang umilag na parang takot na takot.
Napangisi ako ng wala sa sarili. Tss. Mga duwag! Kalalaking mga tao, takot sa akin.
"She's damn good Boss." Bungad naman ni Winter na nakahawak pa sa pisngi niyang namamaga dahil sa natamong sipa.
"Syempre kase maton nga siya dati diba, Gia?" Isa sa mga lalaki ang nagtanong.
Umingos ako.
"Duh, of course. Kung di niyo naitatanong, lalaking lalaki ako gumalaw dati. Tch." Mayabang kong usal.
"Edi kung ikaw yung hinahanap niyang Gian, edi bakla na palang dati si Kier!" May sumigaw sa bandang likod at hindi ko na nasundan kung sino yun. Pero nagsinghalan sa tawa ang mga ungas.
Edi pati ako, natatawa na rin.
"Wooooh. Wala pala to e. Bakla na pala talaga dati pa e. Kunyari pang napipilitang umakting na bakla e." Iyong isang lalaking katapat ni Winter naman ang sumabat.
"Magsitigil nga kayo! Pasmado bunganga niyong lahat ano!?" Galit na sigaw ni Kier sa mga kasamahan niyang walang tigil sa kakabuking sa kanyang mga kaabnoyan.
Natigil nga ang kantyawan pero nagulat din naman ako nung biglang sa akin napunta ang mga tanong.
"E-eh pano Gia, masakit ba magpapalit ng.." iyong si Ashton naman.
Ng?
Binaling ko sa kanya ang atensyon ko noong hindi niya natapos ang sinasabi. Nakita kong nakatingin siya sa matalas na tingin ni Kier sa kanya.
"Ng ano, Ash?" Takang tanong ko.
Tumikhim naman siya pero kahit halatang kabado, pinagpatuloy pa rin ang tanong.
BINABASA MO ANG
DECEIVED (Elites #1) COMPLETED
Romance"Pag ang bakla ba nagmahal.. magiging lalaki na siyang tunay?" Gia Svana was forced to act like a boy since childhood. Ang parating habilin ng tatay niya ay para daw iyon sa kanyang kaligtasan. Everything was okay, anyway, until she met Kier---. Yea...