Deceived 7

2.1K 109 17
                                    

"A-ano?! Ano bang sinasabi mo diyan?"

Para akong papanawan ng ulirat ng makuha ng utak ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Imposible naman diba? Imposibleng alam niyang babae ako!

"Fuck! Hindi ko rin alam, okay? I'm getting pulled against my wishes!" Nakita kong pumatong ang kanan niyang kamay sa ulo niya bago bahagyang sinabunot ang sarili. Nakakaawa ang itsura niya dahil sa makikita mong pagkalito. Pero mas nakakaasiwa ang nais niyang ipahiwatig.

"A-a-ano ba kasing ibig mong sabihin? Na parang ginugusto mo ako, g-ganun? P-parang yung nararamdaman mo sa isang babae?" Naguguluhan kong saad. "Ganon ba Kier?"

Muling naisabunot niya ang kamay niya sa kanyang buhok.

Baka makalbo! Syet. Gusto kong hawakan ang kamay niya at pigilan siya sa pananakit sa sarili.

"O-oo yata, pero hindi. Hindi ko maintindihan." Usal niya.

"Ha?"

E, pano ko pa maiintindihan kung pati ikaw hindi mo maintindihan ang sarili mo?

"Higit sa pagkakaibigan oo, pero hindi rin kagaya ng nararamdaman ko sa mga babae."  Paliwanag niya.

"Oh edi ano yun?"

Oo, anong tawag mo dun? Ano yun, baka kapatid niya ako?

Bahagya akong natawa sa ideyang pumasok sa isip ko. Engot kase. Wala sa hulog.

"I just don't want to see you sad. Ayoko talaga yun. Pakiramdam ko mas nalulungkot ako. Pero lalo namang ayokong may iba ring lalake na lumalapit sayo, naiirita kasi ako. L-lalo yung ginawa mong paninitig kay Khian. H-hindi ko gusto yun." Mahaba niyang paliwanag, medyo nagkandahaba na rin ang nguso dahil sa huling sinabi.

My lips parted in amazement.

"E.." hindi ko natapos ang sasabihin dahil agad niyang dinugtongan.

"Pero mas ayaw kong babae ang kasama mo." Namula siya sabay nag-iwas ng tingin.

"Kaklase ko si Love." Simple kong paliwanag.

Tumango-tango naman siya.

"Naiintindihan ko naman yun kaso.. n-nasasaktan kasi ako Gian."

Pagkasabi niya noon ay parang may humaplos bigla sa puso ko. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pintig niyon na parang winawasak ang katawan ko. Hindi ako halos makahinga sa sobrang bilis at lakas ng nagririgodong pintig.

"L-lalaki ako Kier. Hindi pwede yan." Nauutal kong paliwanag, ipinupokpok sa aking sarili ang paniniwalang iyon dahil maski ako ay parang nais na rin 'yong kalimutan.

Hindi pwede. Magagalit si papa. Ilalayo ako ni papa.

"Fuck! Fuck! Fuck!" Tinalikuran niya ako saka pinagsisipa ang gulong ng kotse niya. "I fucking know that! Tangina, alam na alam ko ang bagay na yan Gian, kaso gagong utak kase to, hindi maturuan!"

Naupo siya sa tabi ng kotse niya saka inihilamos ang kamay sa mukha.

Ilang minuto kaming hindi nag-imikan, pinapakiramdaman kung anong sunod na mangyayari.

Shit. Ano bang gagawin ko? Ang bata ko pa para sa ganitong eksena. Aaluhin ko ba siya o hahayaan na lang?

Gusto ko siyang maging kaibigan!

Kaso, bakit niya kasi sinasabi to? Nakakainis naman e!

Umismid ako, saka tinabihan siya. Nakayupi ang dalawa kong paa, pagkatapos ay niyakap ko ang mga iyon gamit ang aking dalawang braso. Ipinatong ko ang ulo ko sa buko ng tuhod at tinitigan ang kanyang nakatagong mukha.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon