Deceived 2

2.7K 120 5
                                    

Maingat kong tinatanaw ang mga nagkukumpulang estudyante habang hinahanap ang mukha ni Kier. May kung anong event sa eskwelahan nila at ang venue ay sa lawn, kaya malaya akong nakapasok at nakapanood.

My eyes zeroed on his laughing face as his arms snaked on a girl beside him. Ang isa niya pang kamay ay nakahawak sa kulay pulang plastic cup na hindi ko alam kung anong laman. Masyado pa silang bata para subukan ang beer pero dahil mga anak-mayamang spoiled sa magulang ang mga ito, hindi na ako magtataka kung may magtangka mang magdala.

Mahirap kalabanin ang umataking galit sa sistema ko ng matanaw ko ang nakatawa niyang mukha pero iyon na nga ang aking ginawa. Kailangan kong ipakita na matured akong mag-isip. Baka kasi sa halip na patpatin lang ang itawag niya sa akin, madagdagan pa ng isip-bata.

Lumabas ako sa pinagtataguan kong halaman saka walang lingon-lingon siyang nilapitan. Hindi niya pa ako napapansin. Masyado siyang nahuhumaling sa babae sa kanyang harapan.

Noong mga walong hakbang na lang ang layo ko sa kanya, nagsimulang magpatugtog ng malakas ang DJ dahilan upang magkagulo ang mga tao. Nawala siya sa paningin ko at kahit anong tingkayad ay hindi nawawalan ng ulo na mas matangkad kaysa sa akin sa aking harapan. Walang pasubaling pinagtutulak ko ang mga nakaharang na damulag habang inaapakan ang paa ng mga nakadoll shoes na babae.

May ilang napapaaray at tinitingnan ako ng masama pero agad din namang tinatanggal sa akin ang atensiyon.

Tinulak ko ng tinulak ang mga tao hanggang sa marating ko ang dulo ng kaguluhan. May iilang lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain at inumin, at may mga upuan din na pupwedeng upuan ng mga pagod na sa pagsasayaw.

Isang pasada ulit ang ginawa ko bago ko siya nakitang nakaupo habang kinakandong iyong babae.

Ang sabi ko ay kakausapin ko lang siya ngayon. Maghapon kasi siyang wala sa basketball practice pati na rin sa soccer. Kahit sa mga dati niyang tambayan ay hindi rin siya nagpakita. Itatanong ko lang kung bakit hindi niya ako sinipot kagabi sa usapan naming pagkikita. Itatanong ko lang kung maliban ba sa kasahulan ng ugali niya, isa rin siya sa mga taong hindi marunong tumupad sa pangako.

Limang hakbang.

Naiirita ako habang ikinikintal ko sa aking isipan ang ginawa ng kamay niya sa baywang ng babae.

Apat.

Nakita kong humarap ang babae sa kanyang mukha at naghihinang na ngayon ang kanilang mga mata. Ngumiti siya. Totoong ngiti. Pati ang kanyang mga mata ay kumikinang na para bang may anghel sa kanyang harapan.

Tatlo.

Kinakabisa ko ang bawat segundo na naglalapit ang kanilang mga labi at..
At pumapatak ang butil ng mga luha sa aking pisngi.

Dalawa.

Mapipigilan ko pa. Kaya ko pang itulak ang babaeng iyon at ipagulong-gulong siya sa lupa kagaya ng kung paano ko iyon ginawa sa lalaki na kumakandong sa kanya. Kaya ko pa silang dalawang ingudngod sa putik habang binabali ko ang kanilang mga leeg dahil sa kabastusan nila.

Isang hakbang na lang ng biglang may humigit sa pulso ko at itinalikod ako. Ramdam ko ang pagpulupot ng malakas na mga braso sa aking impis na katawan at ang paghaplos sa maiksi kong buhok.

"Tahan na.."

Lalo lang akong naiyak. Iyong iyak na may kasamang sinok habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha sa aking pisngi. Hindi ko alam kung saan galing iyon, o kung bakit ako ngumangawa ng ganoon. Marahil ay dala iyon ng galit. Kasi gago siya.
Kasi akala ko iba siya. Akala ko puwede ko siyang maging kaibigan.

"What are you doing here Gia?" malamyos na tanong ng lalaking nakayapos sa akin. Hindi ko mapigilan ang otomatikong paninigas ng katawan ng marinig ko ang pangalan na tinawag ng lalaki.

DECEIVED (Elites #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon