CHAPTER 8

1.2K 23 2
                                    

MARCO'S POV

Tanging ang gusto ko lang ay pasakitan ang taong lubos na nanakit sakin.....Ang iparamdam sa kanya ang lahat ng sakit nung araw na talikuran nya ako ng dahil lang sa pera..Oo ako nga si ERIC LEDESMA pero noon yun ang lalaking nagpakatanga at nagpaka gago sa isang babae.........tatlong taon na ang nakaraan.....

FLASHBACK

Dahan dahan kong minumulat ang aking mga mata......pero bakit wala akong makita...bakit nababalot ng kadiliman ang buong paligid.....Nasaan ako....

"ERIC...anak"

"Ma.....bakit ang dilim?bat hindi ko kayo makita?"nagpapanic na ako.......at bigla kong naalala ang aksidente........

"Si NOEMI?nasaan si NOEMI?NOEMIIIIIIIII..."sigaw ko....hindi ko na ininda kung anong nangyayari sakin ng biglang sumagi sa isipan ko si NOEMI......pinilit kong tumayo pero nagulat na lang ako ng may pumigil sakin....Hindi ko sila makita....kaya hindi ako makapalag......

At pakiramdam ko unti unti na akong nanghihina....na parang dahan dahan na nauubos ang lakas ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.....

Hanggang sa dumating ang oras na inamin sakin ng doctor na kaya ako hindi nakakakita ay dahil sa pinsala ng aksidente......Pero wala yun sa sakit na nararamdaman ko na hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam tungkol kay NOEMI kung ano ng nangyari sa kanya matapos ang aksidente kailangan ko syang hanapin pero paano bulag ako wala akong silbi pero gagawa ako ng paraan....Aalamin ko ang lahat......hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman kung anong nangyari sa kanya matapos ang aksidente....

"Saan ka pupunta?"boses ng mama.....

"Hahanapin ko si Noemi.....kung hindi nyo kayang sagutin ang lahat ng tanong ko kung anong nangyari sa kanya ako ang gagawa ng paraan para humanap ng sagot samga tanong ko"

"Hindi pa ba natapos ang kabaliwan mo sa babaeng yun huh........"

"Oo mama..hanggat hindi ko sya nakikita at hanggat hindi ko nalalaman na okaysya hindi ako titigil"

"Imposible mo ng makita ang babaeng yun....Wala na sya dito sa Sta.Elena"

"Hindi.......hindi ako iiwan ni Noemi Ma......"

"Yun ang akala mo.......Iniwan ka na nya matapos ang aksidente at sinabi ng doctor na may chance na mabulag ka pumunta sya dito para bisitahin ka.....Pero ng sinabi ko sa kanya na wala na syang magiging pakinabang sa yo dahil bulag ka na natigilan sya at nung bigyan ko sya ng kalahating milyong piso tinangap nya yun.....At ipinangako nya na hindi na sya magpapakita sayo......."

"Hindi Mama....hindi yun magagawa ni Noemi....hindi nya kayang ipagpalit sa pera ang pagmamahalan namin.....hahanapin ko sya....hindi ako titigil hanggat hindi mismo sa bibig nya nangaling ang totoo"

"Sige..Saan mo hahanapin ang taong wala na..Saan ka magsisimula huh.....na kahit hagilapin mo pa sa buong Sta Elena ang babaeng yun wala ka ng makikita.."

Hindi ko pinakingan ang Mama...Nagpautos ako para hanapin si Noemi....pero bigo silamay nakapagsabing pumunta na ito ng Maynila at walang makapagsabi kung nasaan parte ng Maynila sila...

Heto ako ngayon bulag......walang silbi....inutil...miserable.....iniwan ng kaisa isang babaeng minahal ko ng lubos kapalit ng pera........Sana namatay na lang ako....para hindi ganito kasakit...hindi ganito kahirap........

Isang taon na mula ng aksidente tuluyan na ngang hindi nagpakita si Noemi........kailangan ko na bang tangapin na kahit kailan ay hindi na sya babalik......

HINDI ......KAILANGAN KO SYANG MAKITA....KAILANGAN KO SYANG MAKAHARAP.....AT IPARAMDAM SA KANYA ANG LAHAT NG SAKIT NA BINIGAY NYA SAKIN....

Naging matagumpay ang naging operasyon sakin muli ay naibalik na ang aking paningin halos mahigit isang taon din akong nabuhay sa dilim....

SA muli nating pagkikita NOEMI pagsisihan mo ang araw na tinalikuran mo ako dahil ipaparamdam ko sa araw araw ng buhay mo ang sakit.........na hindi mo kakayanin......

"Magpakasaya ka......dahil sa muling pagbabalik ko gagawin kong miserable ang buhay mo"bulong ko habang tinatanaw si NOEMI sa di kalayuan na may kasamang lalaki.......

PRESENT TIME

At makalipas ang tatlong taon nagbalik na ako hindi bilang ERIC LEDESMA kundi bilang MARCO FUENTABELLA paiikutin ko sa mga palad ko si Noemi guguluhin ko ang isip nya na ipapaalala ko sa kanya si ERIC LEDESMA sa katauhan ni MARCO FUENTABELLA...

Paiibigin ko sya bilang Marco.....pero sa kabilang banda isasagi ko pa rin sa utak nya si ERIC at once nasigurado ko na mahal na nya si Marco dun ko unti unting ilalabas ang tunay na ako ang ERIC LEDESMA na iniwan at tinalikuran nya....

Sa ganung paraan ko sya sasaktan.....sa paraan na kahit sya hindi nya inaasahan.....dudurugin ko sya ng buong buo...wawasakin ko sya gaya ng pagwasak nya sakin.........

Pero bakit kagabi naapektuhan ako sa sinabi ng kaibigan nya.........na hindi sya nakaattend sa graduation para makagawa na paraan para makalaya ang nanay nya sa kulungan...ikubli ko man sa sarili ko pero naguiguilty ako dahil sinayang ko ang oras nya na sumama sakin sa event na sana ay tinatangap na nya ang diploma nya ng gabi ring yun.....Pero kung nalaman ko ba ang dahilan nya kung bakit nagbago ang isip nya at nagdecide sya na kumanta sa event kagabi tutulungan ko ba sya na walang kapalit...

Hindi ko alam hindi ko kailangan magpaapekto..Hindi ko kailangan magpadaig sa emosyon ko hindi ako si Eric Ledesma sa pagkakataon na to.......kung babalikan ko ang alaala ni aeric kasama si Noemi alam ko yun ang magpapahina sakin....

NOEMI'S POV

Maaga pa lang ay pumunta na ako sa presinto para piyansahan ang nanay......Naging madali nmn ang proseso lalo naman ay ibinigay ko ng buo ang P20.000....

"Bakit ngayon mo lang ako pinalabas?natiis mo na dalawang gabi ako nasa kulungan ano para magawa mo lahat ng gusto mo...."

"Nay..hindi nmn po barya barya lang ang bente mil na pwede mo lang hingin kahit kanino..."

"Sya sya tara na ng makauwi na tayo"sabi ng nanay....alam ko kahit paano naisip nya rin kung gaano ang tiniis ko para makalabas lang sya ng kulungan....

Nakauwi rin naman kami kaagad.........

"Nay ...maiwan ko po muna kayo..may pupuntahan lang po ako"

"Ano ganun na lang....aalis ka lang na wala man lang perang iniiwan...."

"Nay..nagluto po ako ng pagkain kung nagugutom po kayo..."tugon ko...Ayoko na syang bigyan ng pera baka dumretso na naman sya ng sugalan....

"Hindi pagkain ang gusto ko......pera...anong gagawin ko dito?tutunganga magbibilang ng butiki sa kisame habang ikaw naglalamyerda.....Sana hindi mo na lang ako pinalabas sa kulungan dahil wala rin namang pinagkaiba sa kulungan kung nandito lang ako sa loob ng bahay.."

"Tama Nay..Alam nyo ba kung anong tiniis ko para makahanap ng pagpiyansa sa inyo...na dapat nasa graduation ako para tangapin ang diploma ko pero nasaan ako nagtatrabaho gumagawa ng paraan para makakuha ng pera..Alam nyo kung gaano kaimportante sa kin ang araw na yun...Nay naman kung hindi nyo naman po ako kayang pahalagahan bilang anak bigyan nyo naman ako ng konting importansya bilang tao....Napapagod din ako..."

Hindi kumibo ang nanay.............hindi ko alam kung naapektuhan sya sa sinabi ko...

"Hindi po ako aalis para maglamyerda....pupunta ako sa University para kunin ang diploma ko"sabi ko pa.....Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng masabi ko ang lahat ng yun at sa kauna unahang pagkakataon hindi ako nasaktan ng nanay.....Hindi ko alam kung may mababago ba nito ang lahat na mamumulat na ang mga matang nanay...Sana naman..

-----*

I LOVE YOU...till forever..(ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon