CHAPTER 17

1.1K 25 5
                                    

MARCO'S POV

Bakit ako naapektuhan ng ganito sa sinabi sakin Noemi kanina na hindi sya tunay na anak ng kinilala nyang nanay...Alam ko saksi ako sa kung gaano nya ito kamahal kung paano nya tiniis ang hindi magandang pakikitungo nito sa kanya....Hindi sya nawalan ng pagasa na isang araw ay mamahalin din sya nito pero ngayon hindi ko alam kung paano kinaya ni Noemi na bunga pala sya ng isang malaking pagkakamali...Na ngayon sa kabila ng pinagdadaanan nya hindi pa rin sya bumibitaw........

FLASHBACK**

Mahigpit ang naging yakap ko kay Noemi walang tigil ang pagluha nya iisa lang nmn ang dahilan sa lahat ng pasakit na nararamdaman nya yun ay ang hindi sya magawang mahalin ng kanyang nanay...

"Ang sakit sakit Eric...Buong buhay ko hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit hindi ako magawang mahalin ng nanay....Ginagawa ko naman ang lahat para maging mabuting anak pero bakit lagi na lang ako mali sa paningin nya..Bakit wala na akong nagawang tama?Anak nya ako pero bakit hindi ko maramdaman ang pagiging ina nya"sabi ni Noemi habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng kanyang luha....kung pwede ko lang kunin ang lahat ng sakit na dala dala nya ginawa ko na.....kung pwede ko lang harapin at kausapin ang nanay nya matagal ko na ring ginawa kaso sa pakiusap ni Noemi hindi pwede dahil mas lalo lang gugulo ang lahat..

Pinakiusapan ako ni Noemi na wag iconfront si Aling Mildred kung ayaw kong tuluyan syang mawala sakin....Ngayon lang ulit kami nagkita ni Noemi matapos halos ang isang linggo dahil ikinulong sya ng kanyang nanay dahil may nakapagsabi dito tungkol samin...Isang linggo na pakiramdam ni Noemi na ikamamatay na nya.....Nakalabas lang sya ng paniwalain nya ang nanay nya na makikipaghiwalay na sya sakin pero hindi ito ginawa ni Noemi kaya sa twing magkikita kami sinisiguro ko na walang sinoman ang makakakita......

"Nandito lang ako.hinding hindi kita iiwan...Ako ang lakas mo Noemi...Ang pagmamahalan natin ang magpapatibay sayo"bulong ko sa kanya....

"Hindi kp kakayanin kung mawawala ka Eric....Ikaw na lang ang kaisa isang tao na kinakapitan ko...Mahal na mahal kita"tugon nya...

"Mas mahal kita Noemi..At hindi ako magsasawang mahalin ka"

"Pero umaasa pa rin ako na isang araw mahalin ako ng nanay....Hindi ako susuko hindi ako bibitaw....."

"Ipagdadasal ko na dumating ang araw na yan...Gusto ko lang ay mGing masaya ka....."

PRESENT

Inihagis ko ang bote ng beer.....bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko?bakit bumabalik pa rin sa pagkatao ko si ERIC.....Kahit matagal ko na syang binaon sa limot....

Bakit nung nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Noemi nung sinabi nya sakin ang totoo parang binibiyak ang puso ko....Nasasaktan pa rin ako para sa kanya.....at nung sinabi nya na noong araw na dinala ko sya sa Tagaytay yun ang araw na nalaman nya na hindi sya tunay na anak....Nandun pa rin ako sa tabi nya sa pinaka masakit na bahagi ng buhay nya na sa kahit paanong paraan napasaya ko sya.....Bakit sa kagustuhan kong pasakitan sya mas nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nya...Sarili ko lang ba ang niloloko ko na tuluyan ng nabalot ng sakit ang pagmamahal ko sa kanya.....

"MAHAL KO PA BA TALAGA SI NOEMI HANGGANG NGAYON?"

"NOOOOOO!!"pilit kong kinoconvince ang sarili ko na hindi na......lalo nat konting panahon na lang ay makakamit ko na ang katuparan ng paghihiganti ko.....

Kanina ko pa tinatawagan si Noemi pero hindi nya sinasagot ang calls ko meron kaming appointment ngayon sa wedding coordinator alam nya yun....Ano ng nangyari sa kanya tinawgan ko rin ang resto pero wala pa daw doon si Noemi....Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan sya sa bahay...Oo nagaalala ako na dapat hindi naman..Bakit ba ako magaalala sa babaeng lubos kong kinamumuhian......

I LOVE YOU...till forever..(ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon