Yvonne Natashia POV
Yung mukha niya.
Yung napakahimbing ng pagtulog niya kaya nagmukha siyang anghel sa paningin ko.
Isang anghel na napakaganda pa rin kung matulog.
Yung parang di ka magsasawa panoorin o tignan ang mukha niya kahit boung araw pa.
Purpose ko lang na sigurohin kung tulog talaga siya.
Pero nahumaling ako na tignan pa ang mukha niya.
Kung hindi lang isturbo si Bing ay baka ganun na nga ang nangyari kanina.
Ngunit
Bwesit pa rin siya!! 😤
"Wow ang sosyal mo naman Bing may cellphone ka na."
"R-Regalo lang ito sa akin." Nahihiyang sabi ni Bing.
"Uuuyy may boyfriend ka na ano?"
"Hindi ah! Bigay sa kin ito ni Ate Vanz "in kiss of urgency" daw."
In kiss of urgency!
Bakit nahalikan ka na ba niya?!
"Happy belated Birthday nga pala Bing ha? Hindi mo naman sinabi kahapon na birthday mo pala kahapon."
"Eh wala naman akong naghanda eh, pero pag-uwi ko sa bahay may cake at kaunting handa na ako dahil na rin kay Ate Vanz. Tapos ito na nga yung regalo niya."
Eh di kayo na magclose!
"Ang bait naman ng Ate Vanz mo na yan Bing." Si Dutdot.
"Oo naman mabait talaga yun tapos ang ganda-ganda pa." Pagmamalaki niya.
"Talaga mas maganda pa kesa kay Ma'am Navinna?" Si Ella.
"Magkamukha nga sila eh, pero mas lamang ng limang hilod ang ganda ng Ate Vanz ko."
Takte!
Ubod ganda nga ng Ate Vanz mo ubod manhid din naman!
"Uy Von bakit busangot na naman yang mukha mo? Inggit ka ba kay Bing dahil may mga bagong damit siya at cellphone?"
Lintik ano daw?!
Pinandilatan ko ng mga mata si Pupot.
"At bakit naman ako maiinggit? Malaki ang ipon ko hindi ko kailangan maiinggit, masaya pa nga ko nagmumukhang tao na itong kaibigan ko mga bwesit niyo!"