Di ko na sana ito papansinin.
Pero naalala ko marami na pala akong oras dahil bakasyon na pala.
Sa isang makulit na nagcomment since Chapter 37,38, 39 and 39.1.
Isang reader na umay na umay na raw dahil puro nalang daw drama ang ginagawa ko para lang daw tumagal yung kwento ko.
Tapos nagalit pa siya dahil lagi kong binubura ang comment niya.
Besh ito ha? Isang bagsakan na reply ko para malinawan ka.
May pattern po akong sinusundan sa bawat kwento ko.
👇
Professor's Indecent Proposal Story Pattern:
*Chapter 1-12
-Light flow lang ang kwento, yung puro kulitan at patawa lang for character development.
*Chapter 13-25
-Puro kilig para sa two characters para mas mahalin pa ang personality nila.
*Chapter 26-29
-Climax po ng kwento sa kung ano ang magiging struggle ng love story ng mga bida ko.
Hindi naman po kasi lahat nalang ay masaya.
*Chapter 30-35
-Need po ng mga bida ko ang mag-grow individualy kaya magkahiwalay sila.
Kahit sa totoong buhay ay kailangan na maggrow ang pagkatao natin para mas maging matibay ang ating kaisipan at damdamin sa iba-ibang aspeto ng buhay.
*Chapter 36-39
-Need ng characters ko na magpahard to get, in a good way.
Dito natin malalaman yung mga iba-iba nilang perceptions tungkol sa feelings nila, sa mga taong involve sa kanila.
Lalo na sa mga bagay na maraming nabago sa kanila after 9 years.
Alangan naman isang HATCHING lang ng mga bida ko eh okay na agad sila.
Gets niyo ba yung point?
*Chapter 39.1
-Cliffhanger!! 😂
Para pagdating sa Chapter 40-Ending
Ay masasabi ninyo mga readers na sulit yung hirap ng dalawa!
At sa mga naisakripisyo nila.
Kaya ganyan po kahalaga sa akin ang pattern ng kwento ko kahit sa DNK ay may pattern din ako sa kwentong yun.
At sa iba ko pang kwento na gagawin.
Dahil iniiwasan ko po na malito kayong nagbabasa kaya ayokong may kagulohan sa binabasa ninyo.
Kaya may pattern po ako.
Dahil ang pag-iingat ko sa mga kwento ko dito sa Wattpad, ay katulad ng pag-iingat ko sa sarili ko po.
Kaya sa mga nauumay diyan ay wala po akong paki.
Susundin ko kung ano yung gusto ko.
Di naman kayo ang nahihirapan sa pag-iisip ng bawat flow every chapters, ako naman eh.
Di nga ako nagrereklamo, ikaw tuloy hayoof ka, char! 😂✌
At isipin po natin na walang madali sa mundo.
Ang madali lang ay yung magnanakaw ka at maninira ng kapwa mo.
Kaya nga lang mabigat naman yun na kasalanan sa sarili mo, lalo na sa Kanya.
Next update will be on....
Hmmm, Merry Christmas nalang po muna sa inyo😂
God bless po!!❤💞💓