Chapter 14

12.3K 323 160
                                    

Yvonne Natashia POV

"Nakakainis siya Boy."

Pinahid ko ang luhang naglandas.


"Kaya nga ako umuwi na agad dito para makita siya, pero malalaman ko lang na nagkukulong pala sila ulit ng boyfriend niya."


Kababalik ko palang dito sa mansiyon dahil sa matinding dahilan.


At dahil kay Navinnah yun


Pero sa nalaman kong wala ito dahil nasa kwarto kasama ng boyfriend niya ay nagkaganito na ako.


Nalungkot ako lalo.

Damang-dama ko kanina yung sobrang pagkasabik na makita siya.

Subalit wala siya.


At sinabi pa ni Sarah na nasa kwarto daw siya at maghapon ng nakakulong doon.

Kaya nadagdagan yung sama ng loob ko.

Nakakadismaya sobra.

Ganito pala yung pakiramdam na asang-asa ka sa isang bagay na mangyayari pero naHopya ka lang.


Gusto ko lang naman siya makita.

Mahirap ba mangyari yun?

Napakadali lang naman nun pero bakit ang hirap-hirap?


Kahit isang segundo lang na makita siya ay sapat na yun para sa akin.



Kahit kasama pa niya yung boyfriend niya ay okay lang, basta makita ko lang siya.


Kahit napakasaglit lang.

Inangat ko ang aking ulo at napasandal ako sa sementong dingding.




At doon ako lalo napaluha.


Ilang araw na ba akong lumuluha dahil sa kanya?

Isa?

Dalawa?


Tatlo?

Apat?

Nalulungkot na napamasahe ako sa sentido ko.

Nung unang linggo lang ay ang tahimik ng buhay ko.



Pero dahil sa babaeng yun na nakikilala ko palang ay nabulabog na niya ako.

Ang mundo ko.


At ang puso ko na hanggang ngayon ay di ko maunawaan bakit ganito na ito.


Sa nadarama ko ngayon ay kahit ilang sako pa ng barya ang ibigay sa akin ay hindi nito maiibsan ang lungkot na nadarama ko.

Lalo na ang pagkadismayang nadarama ko na umabot na sa boung sistema ng katawan ko.


Miss na miss ko na siya.



"Yvonne?"


Nagitla ako.

Ang boses na yun.

Professor's Indecent Proposal (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon