Yvonne Natashia POV
Sina Dutdot at Pupot pati na yung security guard.
Si Kuya Nel
Di ko akalain na hahantong sa ganito ang lahat.
Lahat sila ay malubha mula sa trahedyang di nila nais na maganap sa kanila.
"B-Bong h-hindi ko sinasadya yung nangyari, g-gusto... g-gusto ko lang naman sila p-patigilin e~~~~~~"
"T-Tama na Bing, alam ko yun."
Maingat ko siyang yinakap sa gilid ng kanyang katawan.
"N-Natatakot ako B-Bong."
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at hinayaang sumandal si Bing sa balikat ko.
Alam ko ang takot niya.
Dama ko ito at lalo pa itong sumasahol dahil sa mga titig na nasa paligid.
Mga mapaghusgang titig ng ibang mga estudyante.
"Sabihin lang natin yung totoong nangyari. H-Huwag kang mag-alala dadalawin kita araw-araw sa koral, este sa kulungan."
Sinubukan kong magbiro.
Subalit wala ito sa kaibigan ko.
Lalo akong nahirapan dahil di ko na alam kung paano ko pagagaanin ang loob ni Bing.
"N-Naalala ko sina Mamay at Tatay pagnag-aaway sila noon. A-Alam mo namang t-takot ako kapag may...m-may n-nag-aaway sa harap ko dahik naaala ko sila B-Bong."
"B-Bing."
Tumulo ang isang luha sa mga mata ko dahil sa labis na awang nadarama ko para sa kanya.
Lalo pa siyang umiyak.
At ang mga iyak na yun ay simbolo ng isang taong duwag.
Duwag dahil wala siyang kakayahang ilaban ang sarili niya, lalo na sa ganitong sitwasyon.
Alam ko minsan ay marahas ako kay Bing.
Pero hindi yun pag-alipusta sa kanya.
Gusto ko lang ay tumatag ang loob niya at ang kanyang isipan.
Nais ko lang maging independent ang kaibigan ko at matuto siyang protektahan ang sarili niya.
Protektahan sa pamamagitan na huwag hayaang maapektohan siya ng aking mga sinasabi.
Upang maging matibay siya.
At sa tingin ko ay nagtagumpay ako doon dahil kaya niya akong sagut-sagutin ng pabalang din.
Kahit sa ibang tao.
Matagal na niya sana akong kinalimutan bilang kaibigan kung apektado siya sa mga sinasabi ko.