Yvonne Natashia POV
University minipark
7:45 am
Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
Professor na namin si Navinnah sa apat na subjects namin.
At napakasaya ko dahil ibig sabihin niyan ay makikita ko siya araw-araw, Lunes-Byernes at gabi-gabi naman sa mansiyon!!😍
Ang SAYAAAAA!! 🎊🎊🎊🎉🎉🎉
Pwera lang ngayon dahil wala ng pasok ang boung university ngayong boung araw.
May meeting daw lahat ng mga professors ayon na rin sa kagustohan ni Navinnah.
At gulat na gulat ako na sila pala ang may-ari ng university na ito na dating pagmamay-ari ng magulang ni Prof Navinna .
"Ang sangsang naman niyan Bong."
Napatigil ako sa paglalagay ng alcohol sa kamay.
"Hindi ka lang sanay sa amoy ng malinis." Tugon ko bago ko itinuloy ang ginagawa.
Halos maubos ang alcohol sa kamay ko para lang masigurong malinis ko ito.
"Bakit ba kasi halos minu-minuto sa isang araw eh naglalagay ka niyan?" Sabi pa niya.
Ibinalik ko na ang galon ko ng alcohol sa bag.
Hindi naman talaga galon, yung pinakamalaking lalagyan lang ng alcohol.
Mas mahalaga ang alcohol sa akin kesa shampoo kung di niyo pa alam.
"Ngayon naman maglalagay ka niyang santisayser."