Yvonne Natashia POV
Tatlong araw
Tatlong araw ang mayroon ako upang makapag-disesyon sa hinihiling na gawin ko ni Prof Navinna.
Napatungo ako sa semintong mesa.
Ano bang gagawin ko?
Ayokong gawin yung hinihiling niya.
Pero tuwing naaalala ko yung paghihirap niya para mahalin siya ulit at magkaayos silang dalawa ng kanyang anak ay umiiba ang kagustohan ko.
Lalo na doon sa offer ni Prof na napakalaking pera, bahay at lupa at magandang kinubukasan ng mga kapatid ko.
At boung pamilya ko.
Minsan lang sa buhay ng tao ang makaranas ng ganito.
Pero hindi ko kaya.
Dahil paano ko gagawin ang hinihiling ni Prof sa akin kung gusto kong sakalin ang anak niya?
Nabibilisan din ako sa mga nangyayari dahil biglang sulpot lang naman dito yung anak niya.
Tapos ano daw akitin ko na daw at gawan ng paraan na mahalin ako?
Inang ko po paano ko gagawin yun eh unang beses palang ng encounter namin ng babaeng yun bwesit na bwesit na ako dun!!
Tapos ito pa ha?
Di na ako pinapansin mula pa kahapon dahil na kay Bing yung atensiyon ng hinayupak na yun.
Tahimik yung buhay ko kahapon kasi hindi niya ako inaasar.
Pero nakakainis pa rin!
Hmp! Nakakaasar bakit ba nangyayari ito sa akin ngayon?
Ang bata ko pa para mahaggard at baka magkapalitan na kami ng pagmumukha ni Binggay!
Qui Horror queen ina niya!!
Hirap talaga pagmaganda dahil ang daming ibinibigay na responsibility.
Kaya naman ni Prof. na maging mabuti sila ulit ng anak niyang kwago.
Ipaampon niya sa ibang tao yung anak niya.
Ugali ng babaeng yun hindi deserve ni prof. magkaroon ng anak na ganun eh.
Pero ngayon ay ayoko muna isipin yun.
May tatlong araw pa naman ako para makapag-isip eh.
Ngayon ay mag-aunwind ako.
Isa pa bukas uuwi ako sa amin.
At sa tingin ko ay makakabuti ito sa akin para mas makapag-isip pa.
"Bong."
Hindi ko pinansin si Bing dahil nag-iisip nga ako di ba?
"Bong tikman mo."
Tikman?
Bwesit bakit ko naman titikman yung mesa?!