Good evening po.
Gusto ko lang po sabihin na medyo matatagalan ang update ko dito sa PIP dahil bigla po ako nawalan ng gana.
Bigla po akong tinamad.
Bigla po akong nawalan ng rason na gumawa ng update.
Lahat po ng naiisip kong plot sa 16 stories ko ay bigla pong nawala sa isip ko!
Nakakalungkot lang po isipin na di lang pala sa pisikal na aspeto ang pwedi akong pagnakawan.
Dahil kahit pala ang mga naiinisip kong mga bagay sa paggawa ng istorya ay pwedi manakaw.
Bongga pa yung magnanakaw dahil international!
Galing Asya ang walanghiya!
Nanakaw po ang walo (8) sa gawa kong kwento ng isang website galing sa Vietnam.
👇
May ibang mga akda din ang nanakaw hindi lang po ang mga gawa ko.
Kaya nakakadismaya po ang ganitong issue.
Gaya ng sabi ko dati ay 3% ng Wattpad sa buhay ko ang dahilan kaya balanse ang buhay ko.
Pero sa nalaman ko pong ito ay nawala po bigla ang 3% na yun.
Nakakagalit at nakakalungkot.
Kaya pasensiya na po muna sa naghihintay ng updates.
God bless po and keep safe❤❤❤