Vanz POV
"Oh iha kumain ka pa huwag ka mahihiya." Alok ng ginang sa akin.
"Oo nga, makakasama sayo yung magutom ulit dahil hindi ka pa nakakabawi ng lakas." Sabi ni Mang Jener.
Tipid akong ngumiti sa mga ito bago ako nagsandok pa ng Champorado sa plato ko.Tinulongan pala ako ni Mang Jener kahapon.
Sa labas pala mismo ng pinag tatrabahoan niya ako nagpark ng kotse ko.
Dahil hindi daw siya makadaan ay kinatok niya ako at nakita niyang tulog na tulog daw ako. Subalit hindi daw ako nagigising habang namumutla na.
Kaya nagmagandang loob ito na hatakin ang sasakyan ko gamit ng sinasaktan niyang mini truck para sa tahoan nila.
Kaya andito ako ngayon sa bahay nila at nagpapagaling.
"Paano ka nga pala napadad sa lugar namin?" Tanong ng panganay ata nilang anak na babae.