Yvonne Natashia POV
Hindi...
Hindi pweding mabunyag ang nagawa ko sa ganitong paraan.
Kaya kailangan ko siyang pigilan.
"Ate akin na yan!".
"Ma, Tay tignan niyo 'to!"
Ngunit kahit anong gawin ko pang pigil sa Ate ko ay huli na ako.
Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Tatay dahil sa nagugulohan siya sa kung ano ang pinagtatalunan namin ni Ate.
Hanggang tinignan na niya ang pilit na pinapakita ni Ate sa kanila ni Mama.
"A-Ate."
Hanggang narinig ko ang kanilang pagsinghap dahil sa pagkabigla.
At inagaw na ni Tatay ang cellphone upang mas malinaw pa niyang makita ang nakakagimbal na mga larawan.
Sa mga oras na ito ay naalala kong bigla ang unang araw na humingi ng kapatawaran si Tatay dahil sa kanyang pananakit sa akin noon.
Ang mga alaala naming dalawa na minamahal na niya ako.
Yung mga alaala na may pagtitiwala siya sa akin.
Lalo na ang mga alaala na labis niya akong inaalagaan.
At ang mga alaalang yun...
"A-Ano 'to Yvonne?"
Ngayon ay bigla nalang nawasak ang mga yun.
"Kita niyo na Tay, Ma kung gaano kayo ginagago ng anak niyong yan?"
Di ko marinig ang sinasabi ni Ate dahil nakatitig ako sa mukha ng mga magulang ko.
Dahil kitang-kita ko sa mukha nila kung gaano sila nasasaktan, nadismaya at nagdurusa sa sekrito ko.