Chapter 20

6.9K 254 74
                                    








Yvonne Natashia POV






Linggo






6:16 am





"Huwag kang matatapon." Usal ko habang naglalagay ng mainit na tubig sa tinimpla kong gatas.




Naghahanda ako ngayon ng agahan para kay Vanz.





Tulog pa siya dahil pareho kaming di nakatulog ng maayos kagabi.






Dahil yun sa ginawa ng mommy mi Vanz.






Dalawang araw palang na andito sa amin si baby Isiah pero napamahal na kami sa sanggol.







Lalo na si Vanz





Kaya malaking epekto sa amin at sa kanya yung pagkuha kay Isiah dito sa bahay.





Di ko lang maunawaan kung bakit kinuha nila yung bata kahit alam nila at nakikita naman nilang maayos ang lagay nito sa amin.





Ngunit mas lalo kong hindi nauunawaan ay ang ginawa ni Prof.





Alam kong bata pa ako sa pag-unawa sa mga ganitong sitwasyon, pero nakakasama lang ng loob na hindi man lang naawa si Prof. sa baby.







Kahit sabihin pang may dahilan siya.






Pero kahit na, hindi pa rin tama yung pagkuha nila at pagsusumbong niya sa DSWD para alisin niya dito si Isiah.






"Bong."







Napaigtad ako sa gulat dahil sa biglang sulpot ng isang Kabuti na ang ngalan ay Kambing, este Bing.







"Oh bakit?"






Tanong ko pero ang atensiyon ko ay nasa hunahanda kong pagkain namin ni Vanz.





"Yung mga pinamili mo sa aking damit, malalaki sa akin eh."






Tinignan ko ito.





"Eh bakit nung binilhan ako ni Mama ng malaking tsenilas sa akin, nagreklamo ba ako?"







"Eh hindi naman tsenilas yun eh, damit yun."







Namewang ako.







"Kasya yun sayo ano ka ba, sisihin mo yang kapayatan mo."






"Eh sa payat na ako ano magagawa ko?"







Nuknukang lamunin ko ito ng nakadilat kong mata.






"Kung hindi ka naman pala ubod ng kacha-nga, eh panung hindi ka papayat kung puro Novel at cellphone ang inaatupag mo? Aba'y kahit pagkain tinatawag ka na para lumamon ka lang Binggay." Sermon ko dito.






"Eh paano akong tataba ulit nito?"





Lintik talaga pati yan problem ko pa?! 😤






Professor's Indecent Proposal (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon