Austine Villaluz POV
"..and so they live happily ever after!"
At sa wakas! Natapos na ring basahin ng chikiting kong si Noah ang story book na binili namin. Kanina pa kami nakaabang at nakikinig nila mama at Lovely ng mabuti sa kanya. So far, without a doubt, namana nga niya ang braincells ko. Hays, para saan pa at dinala ko siya sa sinapupunan ko sa loob ng siyam na buwan kung wala man lang siyang namana sa akin 'di ba?
Chour! Wala tayong matres, anuebeh! Magpapa-transplant muna ako ng matres tabos ibabalik ko siya sa belachi ko. Charot lang ulit! Wala nga palang pukemon ang lola niyo, besh!
"Ang galing-galing naman ng baby ko. Anong gusto mong prize ah? Gusto mo ng car or private plane. Pili ka lang, magpapa-print tayo." Ang masaya kong sabi sa junakis ko saka kinurot ang pisnge niyang masarap kagatin.
Bilang isang guro—Char! Board passer pa lang ako, bes. Wala pang school ang gustong tumanggap sa beauty ko. Ewan ko kung bakit napaka-choosy nila. Like, hello? Si Austine na 'to oh. Diyosa ng Cebu. Sinulog queen. Title holder ng Miss Cebu. Ka-level ng beauty ko ang silver lining ni Catriona Gray tapos iichapwera lang nila ang application form ko?
Napakawalang taste buds.
Anyways, back to the topic. Char! Napapansin ko na iba ang learning speed ni Noah kung ikukumpara ko siya sa mga batang naturuan ko dati noong nag o-ojt pa lang ako. Wala pa naman kasi akong nakitang batang sumasagot ng mga nakakalokang equations sa trigo books ko.
Noong pinasulat ko siya kung ano ang gusto niyang maging at kung bakit, aba, sinulatan ba naman ako ng essay with perfect punctuans. Kaloka, bes, minsan 'di ko nga alam kung kailan gagamit ng tuldok.
Mabilis din siyang makasaulo. Saulo nga niya mga brand ng mga panty ko. Chosera! T-back user ako 'no.
"Waw! Ang talino mo naman, Noah. Ako hanggang first page lang ako kasi nahihilo ako sa words tapos nadugo ilong ko sa english." Ang narinig kong sabi ng pamangkin kong si Aniston na kasalukuyang nakatabi kay Noah.
"Thank you. My mommy taught me how to read." Ang masayang chika naman ng aking junakis. Magalang at humble. Check na check! Nag-mana nga sa akin, mga bes.
Lumingon siya sa akin at ngumise ng malaki. "Mommy, am I very good po ba?"
"Ay nako baby, sobra pa sa very good. Ikaw ay super duper uber driver very good. Galing-galing ng baby ko eh. Proud na proud si mama." Sagot ko sa kaniya habang nakangiti ng malaki. Chosera, wala ng kakabog mga besh! Minsan lang tayo maging nanay ng gwapitong chikiting. Go with flow ika nga sa kanta ni Yiruma piano version.
"Lapit ka nga sa'kin, beh. Lika kiss mo si mommy." Tawag ko kay Noah. Walang pagdadalawang isip itong lumapit sa akin.
Yumakap siya sa leeg ko at saka ako hinalikan sa pisnge. Pinigilan kong makalayo ang kanyang mukha sa pamamagitan ng pagkulong dito sa pagitan ng aking mga palad. Pinugpog ko ng halik ang kanyang maliit na mukha at saka siya kiniliti. Napuno ng kanyang halakhak ang lugar. Pati kami ay nahawa na rin sa tawa niya.
"Charotera ka, Tine! Mama na nga, may mommy pa! Kinakarer mo na bakla. Kaya pa ba ng matres mo?" Ang biro sa akin ni Lovely saka siya humagikhik.
"Kaya pa, girl, mga sampu. Char!"
At muli na naman pong natawa ang aking gayster-in-law. Feeling ko talaga, ginagawa nila akong gag show tuwing depress sila sa buhay nila. Nanghuhuthut ng service mula sa akin 'di naman maka-afford ng talent fee.
Tuwing birthday ni Aniston, ako ang ginagaww nilang host. Jusko girl! Pinag-snack lang ako ng jazz at pan de coco. Sarap paghahampasin ng microphone. Pasalamat sila katabi ko iyong gwapong kapatid ng nanay ni Aniston.
BINABASA MO ANG
JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng t...