29

95.1K 3.3K 900
                                    

Third Person POV

"Dad, ipinatawag niyo raw ako. What is it? May problema ba sa kompanya?" Ang tanong kaagad ni Nathan pagkapasok niya sa opisina ng ama. Kagagaling lamang niya sa firm kaya pasalampak siyang umupo sa sofa ng ama at pumikit dahil sa pagod.

He really wanted to see Austine first pero sabi ng kanyang mama ay importante daw ito.

"Wala naman. Heto, take a shot." Napabuka siya ng mata at napatitig sa kamay ng kanyang ama. May hawak itong baso na may lamang alak. Ayaw niyang uminom ngunit mas ayaw naman niyang tanggihan ang ama.

Inabot niya ang baso at inisang inom iyon. Napapikit pa siya ng malasahan ang  pait at anghang ng alak na ininom. Damang-dama niya sa lalamunan ang init ng pagdaloy nito doon.

"Nathan. Break up with that Austine Villaluz." Narinig niyang utos ng ama. Wala itong bahid ng pagbibiro at puno ng kaseryosohan ang tinig nito pero napatawa pa rin siya.

He refused to open his eyes at yumuko. Mariin niyang hinilot ang palipisan. He opened his eyes and looked at his father coldly.

"Where did you learn that? Ah oo nga pala," tumawa siya ng pagak, "Nakalimutan ko yatang may mata at tenga kang nagbubuntot sa amin."

"Ginagawa ko lang ito para sa inyo ng mga kapatid mo at ng pamilya natin, Nathan. Kaya kung ako sa'yo iwanan mo na 'yang Villaluz na 'yan. You can find someone better. At iyong tunay na babae!" Pabagsak ang boses nito habang binibigkas ang bawat salita. Kung ibang tao siguro ang nasa harapin nito ay baka nahimatay na sa takot.

"You can't dictate me, Dad. I'm too old for you to control me. Austine is the best that I could have. Mahal rin siya ng apo mo!" Galit niyang sigaw pabalik dito.

"Nathaniel Craig! Bata pa lang kayo alam niyo na ang sitwasyon ng pamilyang ito. You know well how their kind almost ruin our family!" Nanlilisik ang mata nito habang dinuduro siya. Sa mga oras na ito gusto niyang suntukin ang ama. Ito dapat ang mas nakakaintindi sa sitwasyon niya but no, ito pa yata ang magiging dahilan ng pagkawala na naman ng mahal niya.

"Dad, matagal na 'yon! Can't we just move on and forget the past?! Walang kinalaman si Austine sa taong 'yon. Yes, he's gay pero hindi siya mapagsamantala!"

"Forget the past? Ha! Madaling sabihin iyan, Nathan but it's not! Bibigyan kita ng limang araw para paalisan ang taong 'yan at ang pamilya niya dito sa pamamahay ko. Now, kung hindi ka susunod you know what I can do." Sabi nito at nagsalin ng alak sa baso.

"Do what, Dad?! Anong gagawin mo ha? Kill him? Hire someone to shoot him like what you're always doing with your enemies? Ganun ba?!" Sigaw niya pabalik dito. Halos maputol na ang kanyang litid dahil sa sukdulang galit na nararamdaman sa kanyang ama.

"You can't change my mind, Nathan. Sisiguraduhin kong hindi lang buhay ni Austine ang masisira. I'll make sure that everyone in his family will suffer kahit si Noah pa." Pagbabanta nito dahilan para mandilim ang paningin niya. Kinuha niya ang bote ng alak at akmang ihahampas sana sa ama ng pigilan siya ng isang kamay.

"Nathan anak....please...that's your dad." Nakita niya ang kanyang nanginginig na ina. Magkahalong takot at lungkot ang ekspresyon nito. Ibinaba niya ang kamay at galit na itinapon sa sahig ang bote.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon