Third Person POV
Nagtataka man sa kinikilos ng mga anak, ipinagpatuloy pa rin ni Allistain ang pagpasok sa loob ng event room. The suspicion in his mind wouldn't die down, sa mga galaw at pananalita ng kanyang mga anak alam niyang may tinatago ito sa kanya.
Sure, may pinapasunod siyang mga tauhan sa bawat isa sa kanila pero iyon ay hindi para malaman ang bawat galaw nila kung hindi ay para bantayan sila mula sa mga magtatangkang manakit sa kanila. Mahal niya ang kanyang mga anak at wala siyang ibang ipinagdadasal kung hindi ang kaligtasan ng mga ito.
Nakakunot ang noong inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Puno ito ng paborito niyang bulaklak.
"Dad, your visitor is still in the restroom. Why don't you sit first?"
Ani ni Francis na pilit iniiwas ang paningin sa kanya.Inalalayan siya ni Jonas na makaupo sa singe sitter na sofa. May isa pang sofa na nakalagay sa kaniyang harapan at pinapagitnaan lang sila nito ng isang glass coffee table.
"Visitor? I thought we're going to have a meeting?" Kunot noo niyang tanong sa kanyang panganay at bunso. Nakita niyang napatingin ang bunso sa kuya nito na para bang nanghihingi ng tulong.
Bumuntong hininga si Jonas at kinuha ang kanyang telepono. "I need to go,dad. I still have a meeting with vice-governor Katipunan."
Naliwanagan naman si Francis sa dahilan ng kanyang kapatid. Ipinagdasal na sana ay makuha nila Nathaniel at Axel na nasa kabilang kwarto ang gusto niyang mangyari.
Tumunog ang kanyang telepono kaya kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa. "Yes, Jen? Oh right, may urgent meeting ako? Ah hahaha! What should I do, my dad is here." Sinulyapan niya ang kanyang ama na nakatingin sa kanya. Mas lalo pa niyang pinaghusayan ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"What?! Nagka problema sa production? but I'm going to have an important meeting." He made sure that he sound really worried. Mabuti nalang at ipinasok siya noon ng kanyang ina sa isang acting workshop.
"Go on. The two of you should go, I can handle this one." Don Allistain waved his hands at them.
"Are you sure, dad? Don't worry babalik din ako agad kapag nakausap ko ang head ng production team. Kuya, let's go."
hinila ng bunso ang kanilang panganay palabas ng kwartong iyon.Naiwan siyang mag-isa sa malaking kwartong iyon. Tumayo ang matanda at naglakad papunta sa wall-sized glass mirror. Mula doon ay tinanaw niya ang papalubog na araw at ang abalang daan sa ibaba nito.
"Napakaraming nagbago sa Pilipinas ano?"
Napatigil siya sa pag-aaliw sa sarili ng marinig ang isang pamilyar na boses. Napakaraming taon na ang lumipas ngunit ang boses na ito ay kailanma'y hindi niya malilimutan. Ang boses nitong umiiyak at nagmamakaawa na wag niyang iwan. Ang boses nitong humihingi ng tulong sa kanya.
Every memory that includes this man gets so much clearer in his mind.
Dahan-dahan niyang nilingon ito at pinagmasdan ang kanyang kabuuan. Nakatingin ito sa malayo habang nakangiti. This man still managed to take his breath away kahit lumipas na ang maraming taon.
Nanginginig ang kanyang katawan at nanubig ang kanyang mga mata. Tinanggal niya ang kanyang suot na salamin at pinunasan ang mata. Gusto niya itong yakapin, hagkan at tanungin kung anong nangyari sa buhay nito noong naghiwalay sila pero pinipigilan siya ng kanyang konsensya.
Paano naman niya magagawa ang mga bagay na 'yon sa kabila ng mga ginawa niya dito? Wala siyang karapatang tumayo sa tabi nito.
Pagangat ng kanyang tingin nakita niya ang nakangiti nitong mukha na nakatuon na sa kanya. Natatawa pa itong lumapit sa kanya. Inabot nito ang kanyang mukha at pinunasan ang kanyang luha.
BINABASA MO ANG
JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng t...