Juariz Family's mansion, pic above for imagination use only. All credits goes to the rightful owner of the photo.
Austine Villaluz POV
Nandito na kami ngayon sa Manila at kasalukuyang binabaybay ang daan papunta sa bahay nitong si Sir Nathan. Nakasunod sa amin ang isang itim na kotse kung saan nakasakay si Roan at boss Axel. Sa bawat gilid naman ng aming sasakyan ay dalawang motor at isang itim na kotse ulit sa harap. May dalawa ring bodyguard dito sa loob ng sasakyan. Kumpara doon sa Cebu mas mahigpit ang security nila dito. Nag-iingat lang siguro sila.
Simula rin noong kawalangyaan ko sa eroplano hindi na kami nagkikibuan ni sir. Kasi naman mga beh! Sobrang nakakahiya kwarto pala 'yon ni sir, akala ko kasi doon na ako maliligo. Nakakahiya talaga at saka di ko makakalimutan ang aha– patutin ni sir. Hehe. Sobrang laki at total definition ng XL Banana na type na type ko talaga. Baka bangunguton ako. Lord, please totohanin niyo. Char!
Bagot na bagot na ako dito sa sasakyan kasi tulog si Noah sa may baby seat kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko at binuksan ang messenger. As expected, gc lamang ang active. Group chat iyon ng mga bakla sa baranggay namin ako kasi Vice President. Minsan nag o-organize kami ng event para makatulong sa mga bata malapit sa amin. Mostly kasi sa mga bakla sa amin mga professional at may mga magagandang trabaho. Minsan din nagkikita kami kapag may liga ng basketball sa lugar namin. Nagdadala kami ng pom-poms at gumagawa ng mga chants para mapansin ng aming mga oh-so-hot na basketball players. Oo, ganyan kami kalandi. Landi with class and elegance. Char!
Nag-uusap lang ang mga bakla tungkol doon sa aming bagong kapit-bahay na masarap—si Gillian. Alam na nila na nagmeet kami ni future boyfie kaya naman inggit na inggit ang mga baks. Sorry sis, iba kasi ang alindog naming mga Villaluz. Pak!
Kahit may itlog pak na pak pa rin ang isang diyosang Austine Villaluz.In-off ko na ang cellphone ko kasi nahihilo na ako. Wala rin naman akong ibang makakausap. As you can see mga beshywaffs, ang lola niyo ay isang dakilang maarte. Wala akong mga kaclose sa school dati except kay Lovely dahil na rin sa sobrang busy ko noon. Nagpa-part time kasi ako sa mga teachers ko tuwing break ko sa school at pagkatapos ng class ko ay dumidiretso ako sa ibang trabaho ko. Kapag may kaunting time sa klase nag-aaral ako o di kaya natutulog.
Wala akong choice kundi ang gawin ang magtiis sa lifestyle na iyon. Kahit mataas ang ranggo ni papa bilang pulis at kahit na may trabaho na si kuya. Mahirap pa rin ang aming buhay. May binabayaran kasing utang sila papa. Utang iyon ng aking lolo 5 years ago. Dalawamput limang milyon rin iyon mula sa kamay ng mga masasamang tao. Nabaliw kasi si lolo kakalaro sa Casino kaya ayon, bagsak ang maliit niyang negosyo at nabaon sa utang. Walang nakaka-alam sa utang na iyon kundi kami lang ng pamilya ko at ng taong kumukuha sa pera bawat anim na buwan.
Hindi naman kaya ni papa na pabayaan si lolo at isa pa, pamilya namin ang nakasalalay. Ngayon bayad na ang sampung milyon at labing limang milyon nalang ang dapat bayaran. Kaya nga I grab the oppurtunity, makakapag ipon ako ng mga limang milyon sa trabahong ito. Mapapadali ang pagbabayad namin at mabilis na mapapalayo sa kapahamakan.
"We're here." Natigil ako sa pag-iisip at napatingin sa harapan. Nakalabas na si Sir Nathan buhat-buhat si Noah kaya sumunod na ako.
Halos malaglag ang panga ko sa mansion na nasa harapan ko. Sobrang laki nito at sobrang ganda. Parang palasyo tas ako ang reyna. CHOS! Umasa ang bakla. Napakalawak rin ng paligid dito pwedeng gawing palayan. may nakita pa nga akong dalawang kabayong gumagala.
"Grabi! Ibang klase..." manghang sabi ko sa sarili. Ang ganda-ganda dito.
"Mommy, our house is so pretty right?" masiglang tanong ni Noah na gumising na pala.

BINABASA MO ANG
JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng t...