17

92.5K 3.7K 425
                                    

Austine Villaluz POV

Lagpas isang linggo na nga kami dito sa Tagaytay at ano pa ba ang masasabi ko? Edi wala. Nakaka-speechless kasi ang buhay ko dito mga bes. Daig ko pa nanalo ng lotto.

Sobrang enjoy na enjoy ang diyosa niyo mga beshy lalo na kapag umaalis ang topaking employer ko. Pwede akong maligo sa pool na nakasuot ng one piece habang sinasagotan ni Noah ang mga math problems na binibigay ko sa kanya. Nakakapag luto din ako ng lahat ng gusto ko kaya feeling ko nga sobrang baboy ko na.

Tsaka bes! May wifi si sir. Hindi ko alam kong anong network pero mabilis ito. Kung nanonood ka ng porn para sayo 'to girl. Char! SPG na 'yon ha! Hanggang PG lang 'tong kwento ko. Pero 'di ako sure kong Fiber ba, ask ko nalang si sir pag close na kami.

Anyway mga bakla, napatawad ko na si sir.Yes, tama ang pagkakabasa niyo. I forgave him. Tama na ang one week na pademure dahil hindi na matake ng beauty ko ang nakakaasiwang kagwapohan ni sir, okay?! Marupok lang ako na bakla pagpasensyahan niyo na.

"Noah! Ahon ka na, beh. Mag go-grocery pa tayo." Tawag ko kay Noah na masayang naglalaro sa pool. Medyo maginaw na rin talaga kasi, baka magkasakit pa itong chikiting na ito. Baka Ilunod pa ako ni sir Nathan sa pool kapag napano itong anak namin. I mean anak niya na anak ko rin.

"Yes po!"

Pinulot ko ang nakakalat nitong mga damit sa sahig at ang tuwalya na nakasampay sa may upuan.

Mabilis ko namang ipinulupot kay Noah ang towel ng makalapit ito sa akin. Nangiginig na ito sa lamig at medyo namumutla na. Ayan! masyado kasing makulit 'di nakinig sa akin kanina na umahon na. May pa extend- extend pang nalalaman.Anong akala niya sa akin computer shop?

"Oh diba malamig? Sabi ko naman sayo huwag masyadong magtagal. Naku, ikaw talaga. Kung hindi lang kita mahal baka napalo ko na yang pwet mo." May halong biro kong sermon dito habang papasok kami sa loob ng bahay. Binuhat ko nalang kasi ito at baka mas lalong lamigin sa loob, naka-on kasi ang aircon ng buong bahay.

Ewan ko lang ha pero nagdududa talaga ako diyan sa talino ni sir. Kilala sanang henyo pero bakit parang hindi ko naman nararamdaman? Tingnan mo nga itong buong bahay niya naka- aircon. Sobrang lamig na nga ng lugar may pa-aircon pa. Gusto ko sanang patayin kaso hindi akong ideya kong paano.

Matapos kong palitan ng panglakad na damit si Noah ako naman ang nagpalit. Alas nuebe na ng umaga at kailangan pa naming pumunta sa trabaho ni sir mamayang pasado alas dose dahil nakalimutan daw nito ang file niya sa trabaho. Tingnan niyo na, ang tanga-tanga.

May driver na iniwan si sir para sa amin kaya hindi namin kinakailangan  mag commute. May mga nakabuntot rin sa aming mga bodyguard papunta doon sa mall.

"Kuya, sa mall lang po ah." Paalala ko dito. Baka kasi iligaw kami, isure ko lang bes.

"Opo, sir." Sa ganda kong ito? Nag-sir ka pa sa akin kuya? Pasalamat ka at good mood ako ngayon. 

Pagkarating namin sa mall, diretso kami agad na nag-grocery. Mabilis lang naman kaming natapos bumili kasi gumawa na ako ng listahan kagabi pa lang. Noong makita kong alas onse pa lang, pinakain ko na lang muna si Noah sa Jollibee at pinalaro sa WOF.  Pagpatak ng twelve doon lang kami bumalik sa parking lot at tinungo ang opisina ni sir.

Tumigil kami sa isang three-story building na magara ang design. Puro glass mga bes. Pag may lindol wag kayong dumaan dito. Katabi nito ang kino-construct na building. Ito siguro 'yong may issue na building. Daming issue sis kinabog ang mga celebrities. Ikaw na!

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon