37

85.4K 2.9K 230
                                    

Austine Villaluz

Bigla akong napagising ng marinig ang mahinang iyak sa tabi ko. Saglit akong natuod sa kinahihigaan ko at mariing napapikit. Sa tagal kong nawala dito sa kwarto ko baka pinamugaran na ito ng mga multo.

"Pa, natatakot ako para sa bunso natin. Alam mo naman ang batang ito kinikimkim ang sariling problema at dinadaan lahat sa biro." Shet. Kapareho pa ng boses ni mama ang multo.

"Po-protektahan natin siya, ma. Walang masamang mangyayari sa bunso natin. Magkakamatayan muna kami bago nila makuha ang anak natin." Kapareho rin ito ng boses ni pa-

Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga at tiningnan ang dalawang multo na mga magulang ko pala. Nakaupo silang dalawa sa bandang dulo ng kama ko. Yakap-yakap ni papa si mama na umiiyak. Sa tingin ko ay umiiyak rin si papa.

"Mama? Papa?" Tawag ko sa kanila.

"Anak...nagising ka ba namin?" Mabilis na pinunasan ni mama ang mga luha niya at umusog para makaupo ako sa gitna nila.

"Ma, pa, bakit ang emotional niyong dalawa? Narealize niyo na ba kung gaano talaga ako kaganda?" Pagbibiro ko sa kanila. Ayokong nakikitang umiiyak silang dalawa. Ngumite si papa at si mama nama'y mahinang tumawa.

"Loko-loko ka talagang bata ka." Ang natatawang sabi ni papa sa akin at mahigpit akong niyakap. Namiss ko 'to. Namiss ko ang yakap ng papa ko. Ang papa ko na nagtatanggol sa akin, ang papa ko na unang yumakap sa akin noong sinabi kong bakla ako, ang papa ko na proud na proud sa akin kahit abnormal ako.

Hindi ko kasi namamalayan na habang busy ako kakaexplore sa pag a-adulting ko unti-unti na akong nawawalan ng oras sa pamilya. Ilang buwan ko silang hindi nakita, noong nandoon naman sila sa Manila ay busy sila sa paghahanap ng pera pambayad sa utang namin.

Nilingon ko si mama na nakatitig sa amin dalawa. May kakaiba sa tingin niya eh...hindi ko lang gaanong matanto kung ano. Parang..parang pinaghalong lungkot, saya at relief. Ewan ko kung imposible 'yon. Namula na naman ang kanyang mata at ang luha ay nagbabadyang tumakas doon.

"Ma! Ano ka ba naman. HAHAHA! Bakit ang emotional mo ngayon, buntis ka ba?" biro ko dito at inabot ang kanyang mukha para punasan ang kanyang luha.

Lumapit si mama sa amin at sumali sa yakapan.

"Bunso, hindi ba mapagkakatiwalaan si mama at papa?" Tanong nito na ikakunot ng noo ko. Mariin akong umiling bilang sagot.

"Ma, mas trusted pa kayo kumpara sa condom. Bakit niyo naman po natanong 'yan?" Pabirong sagot ko dito.

"Alam mo naman na pwede mo kaming sabihan ng mga problema di ba? Bakit...bakit itinago mo ang nangyari kaninang umaga?" Mas lalong lumakas ang iyak nito sa balikat ko. Ako naman ay biglang napatigil.

"Paano niyo po nalaman ma?" Ang mahinang tanong ko sa kanila.

"Tumawag kanina ang kuya mo, ipinaalam daw sa kanya ni Lovely ang nangyari kanina. Nak, bakit naman ganito? Kung may problema ka o kung may maling nangyayari sa buhay mo sabihin mo naman sa amin.Buhay mo ang nakataya dito, Austine. Naiintindihan mo ba? Nasa bingit ng kapahamakan ang buhay mo. Wag mo itong gawing biro!" Ang umiiyak na sabi ni mama sa akin. Ramdam ko ang hinanakit sa boses niya. Hindi ko maiwasang ma-guilty.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon