Austine Villaluz POV
"Austine, ijo, you never know how much we owe you. You just saved our only apo. If it weren't for you I don't know what's going to happen." Bakas ang sinseridad sa kanyang boses.
Nandito kami ngayong lahat sa magarang sala nila. Kakatapos lang kasi naming kumain ng pananghalian at nag-ayang makipag kwentohan daw sa akin dito sa sala. Nakaupo ako sa isang single sitter na sofa habang sila ay nasa harapan kong umupo. Para tuloy akong iniembistigahan.
Si Noah pumunta sa kong saan makikipag play daw siya kay Nippol. Ewan ko kong anong nilalang iyang si Nippol at pinangalanang utong.
Nakilala ko rin kanina isa-isa sa hapag ang pamilya ni Noah. Si Don Alistain na donor ng sperm cell, Si senyora Santibañez–este si senyora Nathalie na keeper of the ovary at ang mga bunga ng kanilang pagmamahalan na sila si Sir Jonas, Ian at Francis. Nandito rin daw itong auntie at uncle nilang sila Don Almer at Donya Sheryl.Akala ko ay hindi maganda ang magiging pakikitungo nila sa akin. Lalo na at iba ang estado ng mga buhay namin. Akala ko nga ma o-op ako dito sa bahay at pangliliitan pero kabaliktaran ang nangyayari. Disenti nila akong ine-welcome at hindi naging isang soap opera ang first meeting namin. Akala ko nga may pabuhos ng tubig si madam. Wrongness pala iyong mga nasa balitang mata-pobre itong si madam. Mga peyk news bes!
"Kahit siguro naman po tutulungan si, Noah. At isa pa nagpapasalamit rin po ako na dumating siya sa buhay ko at marami akong nareflect na bagay-bagay." katulad po ng pagkuha ng trabaho kasi wala na talaga akong pera.
Gusto ko sanang idagdag iyon pero wag nalang at baka mapahiya ng wala sa oras ang lola niyo. Ayaw ko namang ma-turn off ang mga future manugang ko sakin. Char! Future manugang daw oh. Kapal!
"I really don't know how to show our gratitude to you. Kaya if you have anything you want I'll try my best to give it to you." Sabi ni Mrs. juariz. Yong number ni sir ma'am pwede mahingi? Pati na rin po itong mga papable niyong mga anak.
"Nako, ma'am, binigyan na po ako ng trabaho nitong si,sir Nathan. Sapat na po 'yon." Nahihiyang tanggi ko dito. Buti nalang talaga at hindi sila nag-offer ng pera kasi para sa akin medyo nakaka offend iyon.
"Trabaho? What work Nathaniel?" Nagtatakang tanong ni Don Alistain dito.
"I offered him a work as one of Noah's nanny and a teacher's examination slot at DLU." Sagot ni Sir Nathan."You guys can obviously see the changes in my son. I know he isn't autistic, he just need someone to open up with and I guess it's Austine for him."
"Well, I can actually see that Noah changed so much. His diagnosis seems to be in question after I saw him today. It's a good sign, bro. You made the right decision for your son." Ang nakangiting sabi ni Doc Ian. Shit ang gwapo niya! Iyong mga dimples sa magkabilang pisnge lumalabas. Ay mga beh! Uwian na. May nanalo na. Doc please paki
"I know.Anyway, I've read your consultation yesterday.I'll think about it." malamig niyang sabi dito bago binalingan ng tingin ang mama at papa niya, "Ma,let Austine rest first. He wasn't feeling well while we're on the plane and didn't rest properly. We have a lot of time later."
Minsan walang modo rin itong si sir eh. Wala namang ginawang masama si Sir Ian sakanya pero kung makapag react akala mo aysus sir! Wag ang crush ko! Kani-kanina lang masaya pa siyang nakikipag-usap dito eh. Bipolar din itong bago kong amo. May saltik beshy.
Pagkatapos sabihin iyon ni Sir tumayo ito at sapilitan akong pinatayo. Kinaladkad niya ako pa-akyat sa hagdanan hanggang sa makarating kami sa isang kwarto. Grabe rin makakaladkad itong si sir eh. Anong tingin niya sakin? Maleta niya ganun?
"Sir, sandali lang ho. Masakit na iyang pagkakahawak niyo ha." reklamo ko dito.
Hindi ito nagsalita at nagpatuloy lang sa pagpasok sa kwarto.
Ay si sir! Naku. Naku. Virgin pa ako sir ha! Marriage before sex pero kong susuyuin baka pwedeng i-consider other options. Charot!
Marahas niyang binitiwan ang kamay ko at masama akong tiningnan. Kinabahan tuloy ako. Anong problema nitong si sir? Wala naman akong ginawang masama ah. So far, pulido naman ako kanina.
"M-may problema po ba,s-sir?" kinakabahang tanong ko.
"YES! You!" Bulyaw niya sa mukha ko. May tumalsik pa ngang laway bes pero hayaan niyo na. Mabango naman laway niya parang perfume. Chos! Kadiri. Baka sabihin nila unhygenic ako. Excuse me malinis itong diyosa niyo.
"P-po?" sir, dami niyong problema. Pati ako pinoproblema niyo. Daming issue nitong si sir sa buhay.
"I respect your sexual orientation but refrain from flirting with my siblings!"
Teka nga! Kailan pa ako nakipag landian sa mga kapatid niya? Eh kanina pa nga lang kami nagkakilala.
"S-sir, hindi ko po maintindihan. Kanina pa lang naman kami nagkakilala ng kapatid niyo eh." Paliwanag ko dito.
"Hindi maintindihan? Are you dumb. Akala mo hindi ko nakita ang klase ng tingin na ibinigay mo sa kapatid ko kanina?" Naiinis nitong sabi.
SO WHAT?! May mata ako at marunong akong mag-appreciate ng appearance. So anong pinuputok ng butchi nitong si sir?
Gusto ko sanang makipag-away kay sir at sagutin ang pisteng nilalang na ito pero dahil kailangan ko talaga ng pera, shut up nalang ang magandang si ako.
"Flirt anyone but my brothers. Always remember that. That's your first rule while working for me. 'Wag mong dalhin ang pagiging malandi mo dito sa pamamahay ko. I know your kinds." Malamig na sabi nito bago lumabas ng kwarto.
Eh putang-ina pala itong Nathan na ito eh. Ako malandi?! Ouh malandi ako pero nilalagay ko sa tamang lugar ang kalandian ko. May class at elegance akong malandi! Sino ba siya para husgahan at sabihan ako ng ganoon? Hindi naman kami magkakakilala ng lubos. Ilang araw palang simula ng magkita kami tas ganito na siya umasta?! Ka bad trip bwiset.
Umupo ako sa malaking kama at napatingin sa kawalan. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Shet, andrama ko talaga palagi. Masyadong iyakin ang baby girl niyo.
Pero hindi ko talaga maiwasang masaktan sa sinabi niya. Wala naman akong ginawang masama eh. Tumingin lang naman ako at kinilig ng kunti. Masama ba 'yon. Hindi ko tuloy maiwasan ang isipin ang mga salitang minsan ko ng narinig.
"salot!" "bakla ka! Makasalanan."
Ang hirap naman nito. Pwedeng mag back-out? Nagsisimula na akong matakot at manibago. Nakakabadtrip si sir! Panira ng araw. Tunay na maluwag nga ang tornilyo ng utak.
Kaya mo 'to bakla. Kayang-kaya para sa pamilya at sangkabaklaan.
-----------------------------------------------------------
Puyat na puyat na ako guys pero noong makita ko ang mga comment at votes masyado akong na over whelm kaya naman gusto ko kayong pasalamatan sa pamamagitan nitong mumunting update. Pagpasensyahan niyo na ang mga mali. Gusto ko na talagang matulog. Ciao.
BINABASA MO ANG
JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng t...