7

100K 4K 1.5K
                                    

Nathaniel Craig Juariz

I heaved out a sigh after I felt the whole plane shake. I'm currently on my way to Cebu. Pagkatapos nang pagkatapos ng bagyo I immediately asked my personal pilot to prepare the plane I privately owned. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. The clock doesn't stop for me or my kid.

With a composed face, I carefully pull the papers out from the brown envelope before placing them down on the wooden table. The papers contain Austine Villaluz's detailed information. The guy who apparantly is taking care of my son.

I picked up the paper with his most basic information. Saglit ko pang pinagmasdan ang mukha niya sa naka-attach na picture. It wasn't a fucking normal picture. It was a stolen shot of him. Sabog ang kanyang buhok habang nakakunot ang kanyang noo. His nostrils are abnormally big in here.

Hindi ko alam kung anong trip ni Derick. He always have this habit of taking very bad pictures of his targets.

Austine Villaluz. A gay 22 years old  summa cum laude graduate of Elementary Education major in General Education from Wilford University.

I scanned more information and so far, I was quiet impressed. He's a consistent honor student and dean's lister at his schools. He's an orphanage volunteer and a working student. Malinis ang kanyang educational background. It was too clean to the point of getting me bored.

Sunod kong kinuha ang family information nito.

He's a son of a police leutinant named Arjo Villaluz. Pati ang kapatid nitong si Arvich Villaluz ay nagtratrabaho din bilang police. His mother, Maurice Villaluz is a stay-at-home wife while his sister, Aries Villaluz is a manager at some cosmetic store.   Wala namang masyadong kahina-hinala sa mga impormasyon nila. Pero hindi pa rin ako kampante.
Hindi pa rin ako dapat maging kampante.

"Sir, 5 minutes from now and we will be arriving at Mactan-Cebu International Airport," ang pagpapaalam ni Roan sa akin.

I spared him a glance before nodding my head. Muli kong inabala ang aking sarili sa ibang impormasyon tungkol sa kaniya.

Austine Villaluz

"Anak, kahapon ay nakatanggap kami ng tawag mula sa ama ni Noah," ang panimula ni papa.

Nandito kaming lahat ngayon sa sala dahil ipinatawag niya kaming lahat. May importante daw siyang sasabihin  sa amin. Akala ko nga ay may lakad kami ngayong day off ni papa dahil pinagpalit niya kami ng damit kanina bago pinapunta dito sa sala.

Humigpit ang yakap ko kay Noah na nakakandong sa akin at tahimik lang din na nakikinig sa amin.

"A-ano po ang sabi niya, papa?" Ang Nauutal kong tanong dito.

"Kukunin na raw niya ang bata, anak."

Hindi ko na napigilan ang sarili na hindi mapahikbi. Isinubsob ko ang aking mukha sa dibdib ng anak ko. Ayoko pa siyang ibalik eh. Hindi ba pwedeng sa akin nalang siya?Gumawa nalang ulit siya ng anak.

"Kailan siya pupunta dito, mahal?" Tanong ni mama.

"Parating na sila, mahal."

"Sinong sila, pa? Mama at Papa ba ni Noah?" Ang narinig kong tanong ni kuya dito.

"Hindi rin ako sigurado kung sino. Maghintay nalang muna tayo sa kanila."

Pagkatapos nang pagkatapos sabihin ni papa iyon, kaagad na namayani ang katahimikan sa buong sala. Tanging pag-iyak ko lang ang maririnig. Hindi ko talaga mapigilang hindi maging emotional. Anong karapatan niyang kunin sa akin ang anak ko? Matapos niya kaming iwan at ipagtabuyan?!

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon