Austine Villaluz
"Kaloka! Magkapatid talaga kayo? Walang halong joke?Paanong nangyari 'yon?" Ang hindi ko pa rin makapaniwalang tanong sa kanilang dalawa.
Nandito kami ngayon sa loob ng isang mamahaling donut shop. Libre daw to ni Gillian kaya go lang ng go. Inabot ko ang cup na may lamang kape at tinungga iyon. Sumubo na rin ako ng order kong donut. Napapikit pa ako sa sarap nito. Ibang klase talaga ang sarap ng libre. Nakakabusog ng tiyan.
"Hindi na siguro matandaan ito ni Lorenz but he was abducted when he was still 4. Noong nagkagulo simbahang dinaluhan namin para sa isang mass. Almost three months after we lost him sumabog ang balita na natimbog ng mga pulis ang hideout ng isang chinese syndicate. Isang malaking sindikato na kilala sa pagpapapasok ng mga drugs sa bansa at human trafficking. Mostly sa tina-traffic nila ay mga carriers. Nahuli nila ang ilang mga miyembro nito ngunit hindi ang kanilang mga leader. Mabuti nalang at hindi nila naitakas ang mga ita-traffic na mga carriers. Umasa kaming isa si Lorenz sa na rescue pero wala siya doon. May nakuhang mga papeles ang mga pulis. Naglalaman ito ng mga information ng mga biktima. Lahat sila mga carriers at may mga nakakabit na numero sa bawat biktima. Hinding-hindi ko makakalimutan ang numerong bente-singko na nakasabit sa papeles ni Lovely." Ang mahabang kwento sa amin ni Gillian. Bigla kaming nagkatinginan ni Lovely pagkarinig sa numerong bente-singko.
Naalala ko ang loka-lokang babae na nakasalamuha namin doon sa maternity store. Malakas na kumabog ang puso ko ng maalala kung ano ang tinawag niya sa akin.
Number 9...
Tangina gusto ko ng umuwi.
"Anong problema?" Ang nagtatakang tanong ni Gillian sa amin.
Anong problema? Anong problema? Sobrang laki ng problema! Mas malaki pa sa ari ng ex kong pangit.
"Kanina sa maternity store na pinagdalhan mo sa amin, tinawag ako ng isang babae na number 25." Ang lutang na sagot dito ni Lovely habang hinimas-himas ang kanyang tiyan.
Rumehistro ang gulat at pangamba sa mukha ni Gillian pagkarinig sa sinabi ng kapatid. "A-ano pang sinabi sa iyo?"
"Na excited na raw siyang makita ang anak ko at makuha ako ulit. B-bakit nila ginagawa 'to? Paano ako napunta sa sitwasyong 'to?" Ang naiiyak nitong tanong sa kapatid.
Saglit kaming natahimik tatlo. Walang gustong magsalita. Lahat ay tensyonado.
Ano bang gusto nila sa amin? Kakatayin tas ibebenta ang organs? O gagawin kaming pokpok ng mga mayayamang sugar dadie? Oo, aaminin kong masasarap kaming mga carrier lalo na ako pero hindi na functionable itong mga organs ko. Sobrang sama ng lifestyle ko. Three times a day akong umiinom ng softdrinks, palagi rin akong kumakain ng baboy lalo na 'yong taba at minsan nagpipigil ako ng tae. Walang mabebenta sa organs ko.
Kung ibebenta naman ako sa mga sugar dahdie...well, pag-iisipan natin 'yan. Char! Ayoko 'no. I live in a democratic country therefore I conclude that I should live a life that I wanted. Kahit bakla ako may karapatan pa rin akong maging choosy sa hotdog!
Kung makalagay ng numero feeling nasa stranger things. Nakakastress beh ha! Kapal ng apog. Nanggigigil ako. Rawr! Pakagat ng abs mo Gillian.
"16 years matapos kang mawala, may nagpakilala sa aming miyembro dati ng sindikato. Si Victor Caballero. Siya ang naglabas sa iyo sa hideout nila at ibinigay sa kanyang kapatid na si Victoria Caballero. Siya ang kinikilala mong ina, Lovely. The syndicate is back on their illegal businesses. He was so guilty of what he did at hindi na raw niya kaya pang muli kang mapahamak. He wants us to protect you dahil para ka na rin niyang anak. Kahit siya hindi niya masagot kung bakit basta ang alam niya malalaking pera ang nakapatong sa ulo niyo"
BINABASA MO ANG
JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng t...