21

94.7K 3.8K 1.5K
                                    

Austine Villaluz

Dumating na nga ang pinakahihintay kong event mga sis. Yes. Ikakasal na kami ni sir Nathan. Ang bilis ng panahon noh? Parang noon lang—char lang! Kalma ang heart pang epilogue na yan.

For real na nga mga beshy, dumating na ang aking pinakahihintay. Examination na sa DLU. Ito ang magde-decide kung ita-take to the highest level na ba ang aking profession. Kapag may experience na ako dito kukuha na ako ng masteral para pag-uwi ko sa Cebu pagkatapos ng kontrata pwede akong makapag-turo sa malapit na public school sa amin.

Halos magda-dalawang buwan na rin ang lumipas simula ng dumating ako dito sa manila. Pina-move daw kasi ng director ng school ang exam sa hindi ko malaman na dahilan. Halos umiyak nga ako pagkaalam ko nun. Halos mamatay ako sa pag-aaral ng isang linggo tas sa susunod na buwan pa pala ako mage-exam? Anong kahayopan ito?

Wala na akong nagawa at mas narelax din ako sa pag-aaral. Hindi ko na nga hinardcore ang aking study session. Baka hindi tayo umabot ng epilogue mga bakla. Wala pang sex scenes! Gusto ko pang mag breakfast in bed ng jumbo hotdog and two eggs ni sir. Ihhhhhh!

"Don't be nervous. Hindi ka naman papatayin doon." Sabi ni sir habang nagda-drive. Naka-upo ako ngayon sa may shotgun seat habang si Noah ay nasa may likuran.

Sabi niya ay day off niya daw ngayon kaya siya ang maghahatid sa amin.

"Mommy ko, I know you can pass po. Because I'm smart so you should be smart too kasi I'm nag mana sayo." Sabi ni Noah habang nasa likuran at nakaupo sa baby seat nito.

Wow! Grabeng pressure yan baby. Wala naman akong super utak katulad niyo ng tatay mo. Isa lang akong ordinaryong mamamayan ng Pilipinas na medyo kinulang sa braincells.

Anyways, May pa pala ang end ng school year ni Noah dahil August ang start ng pasok sa DLU kanina ko palang din nalaman.

"Kapag sinabi mo, baby. Sure akong magkakatotoo iyon. Goodluck charm kaya kita!" bola ko dito kahit gusto ko ng maiyak sa kaba. Huhuhu! Hindi talaga ako marunong sa ganitong mga sitwasyon. Pagkatapos ko ngang magtake ng board exam eh hinimatay ako sa classroom.

Pagdating namin sa DLU inihatid muna namin si Noah sa elementary building bago kami dumiretso sa may examination hall. Tahimik lang talaga ako habang naglalakad.

"Austine, you're so fucking pale. Are you feeling sick? Kailangan na ba kitang isugod sa hospital?" Ang nag-aalalang tanong ni sir sa akin habang pilit akong pinapaharap sa kanya. Umiling lang ako bilang sagot. Feeling ko kapag nagsalita ako makakalimutan ko lahat ng pinag-aralan ko.

Tsaka ang o.a naman nitong si sir. Para naman akong mamamatay niyan.

"All examinees for general education please proceed to room 134. I repeat, all examinees for general education please proceed to room 134. Exams will start in 3 minutes. Thank you." Narinig kong announcement sa buong hall. Nagkukumahog namang magsipunta ang ibang mga examinees na kagaya ko papunta dito sa aming pwesto. Dito kasi ako idineritso ni sir,pinagtitingin an pa kami ng mga tao pagpasok.

"Pumasok ka na. I know you'll pass the test." Sabi niya. Shet ka sir! Wag kang masyadong pafall please lang. "Just don't expect to top." Aniya na ikinasimangot ko.

"Grabe ka sakin sir!" reklamo ko at padabog na pumasok sa loob ng room.

————————
Nathan Juariz POV

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon