Austine Villaluz
Tatlong araw na simula ng, ehem, isinuko ng lola niyo ang bataan mga beh. Oo, tama ako'y isa ng ganap na babae.
Pinatutuhanan nga ni sir ang isa sa pinaka-inspiring quotes na minsan kong nabasa sa google na, "Papatayin ka sa sarap."
Noong una ay masarap pa. Syempre dalawampu't dalawang taon kung hinintay na malusob itong mahiwagang kweba ko. Pero shetness lang kasi, tatlong araw na rin akong hindi nakakaupo ng maayos."Papasok ka na?" Tanong ko kay Nathan hababang pinupulot ang damit ko sa sahig.
"Yeah." malamig niyang sagot at lumabas ng kwartom
Isa rin sa napansin ko sa tatlong araw na 'yon ay ang unti-unting panlalamig ng putang-ina na 'to. Maaga itong umaalis at mga ala-una na umuuwi. Nangangalabit lang ang loko sa akin at ako naman ang putang inang marupok ayon bubukaka agad. Ayoko siyang sumbatan, ayoko siyang tanungin dahil natatakot ako sa magiging sagot niya.
Mahal ko na siya mga beh. Ang galing kasing gumiling. Char! Pero seryoso, hulog na hulog na itong puso ko sa kanya at natatakot. Natatakot ako sa kalalabasan nitong kabaliwan ko. Hindi pa ready ang puso kong masaktan, tama na munang pwet ko lang ang masakit.
Noong tinanong ko siya kung may problema kami umiling lang ito. Pagod lang daw siya sa trabaho. Gago siya, kung pagod siya sa trabaho edi natulog na lang sana siya hindi yung nangangalabit pa siya gabi-gabi.
"Shetness ka, Nathan. Matapos mong makuha ang virgin body ko manlalamig ka na bigla? Ano ha? Katawan ko lang habol mo? Gago ka pala eh! Napakamahal ng pwet kong to tapos ikaw libre lang? Piste ka! Hayup! YAWA!" Sunod-sunod kong mura habang sinusuntok ang unan ko dito sa kwarto.
"Austine? Ayos ka lang ba, ijo?" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses.
"Okay lang po ako, nay Gina. May pinapatay lang akong hayop." Sagot ko dito at umayos sa pagkaka-upo. Ang sakit ng bewang at pwet ko beh.
"Hayop?"
Opo, iyong hayop nating amo. Mapagsamantala!
"Charot! Insekto po pala, sorry nay, typo lang."
"Ewan ko sayong bata ka. Hindi na ako papasok sa kwarto mo, pinapatawag ka lang kasi nila sa baba kakain na daw." Aniya.
"Opo, nay! Susunod ho ako."
Ang totoo ay ayaw kong kumain kasama ang mga magulang ni Nathan. Bukod kasi sa kanya ay maginaw rin ang pakikitungo ng mga magulang niya sa akin lalong-lalo na si Don Allistain. Ibang-iba ang pakikitungo nila noong una akong dumating dito. Ang palagi nilang kinakausap ay ang sipsip na Dyna na 'yon. Tuwing napapansin niya na nakatingin ako sa kanila ay nginingitian niya ako. Iyong ngiting nang-aasar.
Pagbaba ko sa Dining hall nadatnan ko doon ang pamilya ko, si Noah, ang mga magulang ni Nathan at ang alaga nilang ahas na nagngangalang Dyna.
"Good morning." Ang masiglang bati sa akin ng impaktitang si Dyna. Kitang-kita pa ang mga ngipin niya habang nakangiti sa akin.
"Good morning din sayo. Good morning po Don Allistain at Senyora Nathalie." Bati ko sa kanila habang nakangiti ipinakita ko rin sa kanya ang effortless kong ngipin. Maganda like me.
As usual hindi na naman ako pinansin nila Don Allistain pero binigyan naman ako ng isang tipid na ngiti ni Senyora.
"Good morning, mommy!" Ang masiglang bati sa akin ni Noah.
BINABASA MO ANG
JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng t...