Austine Villaluz
Lagpas isang linggo na rin simula ng magpunta kami sa Tagaytay. Lunes kinabukasan pagkatapos naming maka uwi ay pumunta naman si sir sa Japan para daw sa trabaho.
Trabaho-trabaho, palagi na lang siyang nagta-trabaho nawawalan na siya ng oras sa amin ng anak niya! Char! Joke lang. Nag-advance thinking lang ako mga sis baka kasi may future kaming dalawa. Yieeeeeeeee! Sana ol may future.
Anyways mga sis, I'm so stressed right now. Ang dati kong poreless, smooth, supple and beautiful skin ay tinubuan na nga ng tigyawats. Oo mga sis. Tigyawats as in naging isang baranggay na nga sila. At ang dahilan? Wala si sir sa tabi ko. Ay char! Hindi 'yon noh! Examination na kasi next week kaya all day and all night akong awake and studying with all my might and all of my braincells.
"Austine, ijo, kumain ka naman. Alam kong importante iyan sa iyo pero mas importante ang kalusugan mo." Ang nag-aalalang tinig ni Nay Gina. Doon ko nakita si nay Gina na nakadungaw sa may pintuan ng kwarto ko.
Kumakain naman ako pero sobrang kunti lang talaga ng mga kinakain ko. Mas nakakapag-focus kasi ako pag walang laman ang tiyan ko kaya hito at malapit na nga akong maging boto.
Ayaw ko ngang kumain kaso nakakahiya naman kela Don at Senyorita Juariz. Ma-turn off pa sakin mga future manugang ko, kailangan ko ring magpa-impress ng kunti besh."Naku nay, busog na po ako. Kumain naman ako ng haponan kanina. Bakit po pala kayo nagawi dito?" nakangiting tanong ko.
Pasado ala una na ng gabi pero hindi ko pa rin nararamdaman ang antok. Apat na araw na akong ganito. Walang akong maayos na tulog at kain pero hindi dahil sa heartbroken. Hahays hirap maging single mga besh. Sa pag-aaral ka na lang nabe-break. Penge namang jowa diyan lord. Ilang kandila na tinirik ko para magkajowa.
"O siya, sige. Kapag nagutom ka eh bumaba ka nalang. Natanaw ko kasi na maliwanag pa itong kwarto mo at isa pa, babalik daw ngayon si sir." Babalik na siya ka-agad? Diba thursday palang siya dadating? Akala ko bukas pa ng umaga dating niya. Hindi ko pa nga na-enjoy ang sight-seeing ko sa mga kapatid ni sir baka masapok pa ako nun pag nagkataong mahuli ako nito.
Pagkatapos nun ay bumaba na ulit si nay Gina. Nagpatuloy na din ako sa aking suicidal study session. Ilang minutl lang din simula ng umalis si nay Gina ay narinig ko ulit ang pagbukas ng pintuan nitong kwarto. Akala ko si nay Gina lang kaya hindi ko na ito tiningnan.
"Nay Gina? May naiwan po kayo?" Tanong ko dito pero hindi ito sumagot. Saglit akong napalunok at tiningnan ang relo sa lamesa ko. Alas dos na pala. Diyos ko naman, sabi-sabi pa naman nila mga ganitong oras daw naglalabasan ang mga multo. Kilaki pa naman nitong bahay. Hindi ako lumingon kasi diba sa mga horror movies ganun 'yon? Pag lumingon ka, akin ka! Yieeeeee sana ol multo. Joke-joke lang muna bago kunin ni lord. Chos!
Nakayuko lang ako at umaktong nagbabasa kahit sa loob-loob ko ay sobrang takot ko na. Okay, mga momo friends hindi ako masarap at not very fresh na ang aking soul. Masyado ng marumi ang spirit ko. Chos. Joke lang. Nagsisimba ako every sunday no. Anong akala niyo sa akin? Magandang debil?
"Why aren't you sleeping?" Biglang sabi ng tao sa likuran ko.
"Bilat ka sa kabayo! Yawa!" Malakas na mura ko. Diyos ko naman! Like father like son talaga sila ni Noah. Mahilig manakot, leche! "Grabe kayo, sir! Magsabi naman kayo kung papasok kayo oh ano. Hindi iyong nanggugulat kayo." reklamo ko dito at pinulot ang mga natapon kong notes.
"Ano itong narinig ko mula kay mama, Austine? You're not eating and sleeping properly. Do you want your parents to say na minamaltrato kita?" nahihimagan ko ang galit sa kanyang boses. Nak ng—napasin pala 'yon ni Senyora?
BINABASA MO ANG
JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng t...