Austine Villaluz
"K-kuya, pag namatay ako siya ang kasuhan niyo, okay?" Ang nanginginig kong habilin kay kuyang naglalagay sa akin ng helmet. Kanina pa ready si sir at printeng-printe lang itong nakatayo at nagmamasid sa amin sa tabi.
"Go mommy ko!" Ang masayang sigaw ni Noah na nanonood sa amin ng ama niya.
Alam niyo yung feeling na sa sobrang dami ng rides dito sa sky ranch ito pa talaga ang pinili niya? Zipline? Sinong nasa tamang pag-iisip ang gustong mag-zipline? Kapapanood ko pa lang naman din sa facebook ng bidyo kung saan may babaeng nagvi-video tas nahulog mula sa zipline. Huhuhu shet ka talaga sir gusto mo talaga akong mamatay na virgin. Devirginize mi sir! Charot!
Nasa kaliwang zipline pumwesto si sir at seryoso lang itong naghihintay sa go signal ng operator.
"AHHH!!!!!PAKYU KA SIR! ANG PANGIT-PANGIT MO!" Malakas kong sigaw ng magsimula na ang trip to heaven namin.
Pagkatapos naming gawin ang pisteng zipline na 'yun nanginginig ang mga paa kong bumaba sa hagdan. Kapit na kapit talaga ako sa handle ng hagdanan dahil baka dumiretso ako pababa.
"Can't you step down a little faster? Hindi lang ikaw ang tao dito." Ang sabi ni sir mula sa likuran ko. Binalingin ko siya ng masamang tingin at inisnoban. Akala mo siguro sir natutuwa ako sa pinaggagawa mo sa buhay mo.
"Wala kang awa, sir. Kakasuhan kita ng sexual harassment." bulong ko pero tama lang para marinig niya. Tatapak na sana ako sa pinakahuling step ng hagdananan ng maramdaman ko nalang na may lumapat sa likuran ko dahilan para muntik na akong mahulog.
Masama kong tiningnan si sir Nathan na seryoso lang kunong nilagpasan ako habang karga-karga si Noah . Napakawalang hiya niya talaga. Akala niya siguro na porket gwapo siya at medyo crush ko pwede na niya akong apihin. Aba! Sa kama lang pwede noh. Ay char!
Mabilis akong sumunod sa kanila at napatakbo ng wala sa oras. Chos! Okay lang pala ang paa ko. Masyado lang dramatic ang lola niyo mga beh.
Sunod naman naming ginawa ay ang pagsakay ng kabayo na sa excited ko ay aksidenti kong napatid ang tiyan nito kaya napatakbo ito ng wala sa oras. Akala ko mamamatay na ako sa mga oras na iyon mabuti nalang talaga at napatigil nila ito.
"Are you fucking out of your mind?!" bulyaw sa akin ni sir pagkalapit nito sa pinaupoan sa akin.
Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Napatitig ako kay sir na nakakunot ang noo. Sirang-sira rin ang ekspresyon sa mukha niya pero gwapo pa rin ito. At kahit na sinigawan ako nito eh talaga namang makikita mo sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Napangisi naman ako doon. Ako na ang malandi okay? Pagbigyan niyo na ang bakla, minsan lang ako magkakalablayp mga sis. Don't worry beshywaffs, invited naman kayo sa kasal namin kaya 'wag niyong kalimutang magdala ng tupperware.
"Hey, say something. May masakit ba sa iyo?" Mas mahina na ang boses nito kumpara kanina. Sinuri pa nito ang katawan ko kung may mga pasa ba.
"Mommy ko? Are you okay po?" Nag-aalalang tanong ni Noah sa akin. Tumango lang ako dito bilang sagot. Oo, kinabahan ako pero hindi naman ako nasaktan. Nashock lang siguro ako.
Galit na ipinatawag nito ang manager na naka-attract sa maraming atensyon ng mga ibang gumagala.
"Bakit hindi nakatali ang kabayo ng pasakayin niyo siya? He could have been in the worst situation! Naiintindihan niyo ba? He could have been in the hospital right now!" galit niyang sabi sa manager dito. Nakayuko lang ito at tila maiiyak na. Ikaw ba naman ang pagalitan ng isang Nathan Juariz, sa laki at lalim ng boses nito aakalain mong demonyo na ang kausap mo.
BINABASA MO ANG
JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng t...