Chapter 5

87 2 0
                                    

"I love you chelsea"ani ni tristan na hinapit ang aking katawan palapit sa kanya.

Eto na ba yun?bibigay na ba ako?. pero ang alam ko.gusto ko to

."I love you too"sagot ko.

inihiga na niya ako sa kama,at siya ay nasa ibabaw ko.papalapit na ang mukha niya sakin. pumikit ako. at inihanda ang sarili sa kaabang-abang na pangyayari. inilapit ko na din ang aking labi sa labi niya.hmn. bakit tila magaspang ?

may naririnig akong mahinang ungol.siya ba yun o ako? Sa pilit na mukha'y idinilat ko ang aking mata. Napalayo akong bigla .kili-kili pala ni tristan ang hnahalikan ko kaya naman pala magaspang dahil sa buhok ! . whoah ! 

"panaginip lang pala. kakainis." mahinang pagmamaktol ko.

"andun na sana eh,konting push na lang eh. " asar na dagdag ko.

Saka lang ako naging aware sa nangyayari. at sa posisyon namin. nakayakap ako sa kanya at ganun din siya akin. what a intimate position. daig pa namin ang bagong mag asawa at nasa honeymoon ngaun. kinikilig na Napangiti ako.atleast ito hndi na panaginip.

 -------------------------------

"Good Morning sleapyhead." bungad salita sakin ni tristan.

Papungay na pinagmasdan ko siya.Ngayon alam ko na ang feeling ng asawang babae kapag ginising ng lalaking mahal nila.Ang kaibahan nga lang,hindi ko PA asawa ang lalaking ito. pero malapit na.Napangiti ako sa naisip.

"Good morning hubbybabe. Pinuyat mo ko kagabi hah." tudyo ka sa kanya saka bumangon.

"huh!talagang ako pa ang namuyat ha?."pakikisay niya sa biro ko.Imyernes.iba na sya ngaun.sana ganito lage araw-araw.

"Bangon ka na diyan. kailangan na nating bumyahe pa-Tagaytay." anito na nakabihis na.

"Tagaytay? anong gagawin natin dun?"

"Bukas na ang kasal ng kapatid ko. At sabi niya kailangan daw kasama ka. Mukhang naikwento ka na agad ni mommy sa kanya."

anito na binuksan ang phone.Kasal?.

" Magbibihis ka pa ba o aalis na tayo ng ganyan ang suot mo."

Naka-pantulog pa nga rin pala ako. Mabilis na tumayo ako.

" ill wait for you downstair."

anito.

" at sya nga pala. tanggalin mo yang tuyong laway mo." saka lumabas.

Mabilis na tumayo ako at tiningnan ang mukha sa salamin. my gas! nakakahiya !

------------------------------

"hubbybabe .bakit ang boring nitong sasakyan mo?" tanong ko sa kanya.

Nasa sasakyan na kami at bumabyahe na patagaytay.

"pano mo nasabi yan ?" tanong nito na nasa pagmamaneho ang paningin.

"wala man lang kasi stuffed toys na nakalagay. o kaya naman ay tuta na gumagalaw ang ulo, parang ganito."

aniko na ginalaw galaw patango ang ulo. 

Napangiti siya."baliw ka na talaga." anito na nangingiti.

binuksan ang radio. Rap ang nakasalang na kanta.

Napangiwi ako." ang pangit." aniko na tumingin sa kanya.

"ko ?"

"hindi, yung kanta. Hindi ko type ang pagkaka-rap."

Natawa ito. " as if you knew how to rap."

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon