Chapter 26

75 2 0
                                    

Kung anong oras kami nakatulog. Hindi ko alam. Nagising na lang ako bigla ng makaramdam ng lamig galing sa aircon.

Bumangon ako. Kinuha ang bathrobe at isinuot sa walang saplot kong katawan. Saka matamang pinagmasdan ang tila greek god na nakahiga sa kama.

Tinakpan ko ang bibig sa nais kumawalang hikbi.

Bakit ganun?. Kahit hindi ko gustong umiyak ay tuloy-tuloy pa din sa pag-agos ang mga luha ko.

"Sobrang mahal kita , mas mahal kesa nung una kitang makita. Ngayon wala na akong tinira sa sarili ko. Pero hinding hindi ko pagsisisihan to. " mahinang usal ko sa pagitan ng pag hikbi.

Sobrang sakit talaga.

Nadako ang paningin ko sa maong na nasa sahig. Ewan pero mismong katawan ko ang nag-uutos sa akin na kunin iyon.

Nakapa ko ang wallet nito sa may bandang likurang bulsa ng maong nito.

Inilabas ko iyon. At sa nanginginig na kamay ay binuksan.

I tried to choke my sobs as I look at the picture.

Umiikot ang paninging Napa-upong muli ako , dahil kung hindi ko gagawin iyo'y baka matumba ako . Sandali kong ipinikit ang mga mata at pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay tumingin kay Tristan .

" I will always love you , " bulong kong sabi sa pagitan ng mga hikbi.

Marahang kumilos at pinulot isa-isa ang mga damit saka nagbihis. Inayos ang sarili saka kinuha ang cellphone at nagtipa.

Matapos ay iniwan ang cellphone katabi ng maong nito at binigyan ito ng huling tingin . Sa araw nito , iiwan ko dito ang puso ko. Napaluhang muli saka mabilis na lumabas.

Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi naman ako ang mahal. At ang nakakatawa pa dun. Ang kaagaw ko sa kanya ay ang taong hindi ko inaasahan. Pwede palang gawing first love ang pupy love.

Naibigay ko na lahat ,kaya kahit atleast pride man lang maitira ko.

Pumara ako ng taxi .
Ang gusto ko lang ngayon ay umuwi na.

Parang nanadya naman ang kantang pumailanlang sa radio.

Wish i could say to you
That i always be with you
But baby thats not me


Binalikan ko isa-isa ang nga masasayang nangyari sa amin. Naroong napapangiti akong bigla ,naroong napapaiyak. Bahagya ko na lang napansin ang pagtanawa ng driver mula sa salamin. I dont care kung magmukha akong tanga o baliw sa ikinikilos ko.

Eh ano ngayon kung nakikita niyang parang baliw ang pasahero niya.Bahala sya , magbabayad naman ako eh kaya mag drive na lang sya dyan.

Sinabayan ko pa ang huling lyrics ng chorus.

I love you goodbye.....

Mas lalo akong napaiyak.

Nagtake ako ng first flight pa-surigao. Saka sumakay ng bus pauwing Agusan.

--------------------------------------------------------------------------

Ingay ng doorbell ang nakapag-pa-gising kay Tristan. Kinapa-kapa ko ang katabi.

Napabangon ako ng walang makapa.

"Wiffybabe " tawag ko sa kanya dahil baka nasa banyo lang ito.

Tumayo ako at tinungo ang banyo. Walang tao.

Nilukob ng kaba ang buong pagkatao ko. Kung bakit ? Hindi ko alam . Basta bigla na lang akong natakot at tila namanhid.

Kinuha ko ang bathrobe at pinantakip sa katawan saka pinagbuksan ang pinto.

"Chel --- " naputo ang sasabihin ni mommy pagkakita sakin.

"Tristan ! Anong ginagawa mo rito sa kwarto ni chelsea. " manghang tanong nito na pinasadahan ako ng tingin.
"At , bakit ganyan ang suot mo ."
Dugtong nito.

Wala sa tanong nito o sa iniisip nito ang isip ko. Kundi kung nasaan si Chelsea.

"Nakita mo ba si Chelsea mommy ? " nagsalubong ang kilay na tanong ko , mahahalata sa mukha ang sobrang pagkabahala..

"Ha ? . Ako dapat ang magtanong saiyo niyan. Where's chelsea, at bakit ka narito sa room niya?".

"Wala ba siya sa labas ? O sa room nina Tricia , o kaya hindi ba niya kasama si Mike ? " natatarantang tanong ko.

" Kanina pang madaling araw umalis sina Stefan at ang kapatid mo hijo , alam mo namang maaga ang flight ng mga yun . At si Mike nama'y nasa lobby na kasama si Shasnie. Hinihintay tayo para makapag check out na at sabay sabay tayong umalis. " mahabang sabi nito.

Tumiim ang mukha at lumalim ang kaba ko. Saan nagpunta si Chelsea. Pumasok muli ako sa loob at nagsuot ng damit at pantalon. Nahagip ng paningin ko ang cellphone na binigay ko kay Chelsea

Minadali ang pagbibihis at kinuha ang cellphone. Pag open ay naka deretso note iyon.

Letter ?

"Alam kong pag nabasa mo ito ,.malayo na ako.

Sobrang mahal kita Tristan . Ilang beses kong pinatunayan yan saiyo. Simula pa lang nung unang dating ko sa condo mo.
Kaya lang ayokong ipagsiksikan pa ang sarili ko sayo.

Sobrang mahal kita to the point na handa akong gawin lahat sayo.

Kaso may hangganan din pala. Mahirap makipagkumpetensya sa first love. Kasi first love ,totoong hindi naman talaga nawawala. Narinig ko kayo ni Tricia , tinanong ka niya kung
"do you still love your first love ".
Hindi mo alam kung paano gumuho ang mundo ko ng sabihin mong
"yes ".

Hindi ko gustong maniwala. Pero wallet mo na mismo ang naging matibay kong dahilan.

Wag mo na lang ako sundan please.

I love you so much , pero hindi siguro talaga ikaw yung prince ko.


Chelsea."

Sa nagdidilim na paningi'y binaba ko ang cellphone.

Naramdaman ko ang pag-upo ni mommy sa tabi ko.

"Gusto mo bang magkwento , son ?" Anito na hinawakan ang balikat ko.

"She didnt trust me mom . " aniko na pinipilit pigilan ang luha.

Niyakap niya ako.
"Wag mong pigilin ang pag-iyak"

"Man dont cry mom. "

"Natawa ito at mahigpit akong niyakap.
"Sometimes , it is better if you did , son. "
Anito .

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari , at kung paano ko natutunang mahalin si Chelsea.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon