Chapter 20

60 2 0
                                    

Palapit na kami sa cottage kung saan naroon sina Tricia, Stefan , Mommy Trina ,Mike na pawang naka pang-swimming outfit. 

Si Tricia ang unang naka-pansin sa pagdating namin. 

"Ayieeee " si Tricia ng mapunang magka-holding hands kami. "May something fishy dito ah." 

Napatingin na din samin lahat. 

"Kuya ano nang score ?" Pangungulit ni tricia. 

"Wag kang makulit okay. Yung inutos ko nasan na ?" ani tristan sa kapatid. 

"Hmp . Andyan sa bag oh. " pout na sabi nito. 

Napangiti lang ako. 

Napatingin ako kay tristan ng tumingin din sya sakin 

"Magbihis ka na. Nasa bag na yun ang pang-swimming mo . "Anito. 

"Ehem . Ang daming langgan oh " ani mike na kunwariy nagkamot. 

Nagulat ako ng biglang hapitin ni Tristan. 
"Dapat lang Man , na langgamin ka . Hindi yung para kang tipaklong na nakikisawsaw sa pagkain ng langgam. " 

Pinanlakihan ko ng mata si Tristan. 

Natawa naman si mike dito. 
"Ang bagal mo kasi pare. Kaya gusto ko lang ipaunawa saiyo na ang taong nagbabagal , walang makukuha. " sagot ni mike na nakangiti. 

Hay. Buti na lang hindi pikunin si Mike. 

"Sige na. Magbibihis na ako.." aniko na kinuha ang bag. 

"Gusto mo samahan kita. " 

"Hay naku kuya. Ako na ang sasama kay ate chelsea. " ani Tricia na inakay na ako. 

-'-----'-- 

"Tricia talaga bang eto ang susuotin ko. Labas kaluluwa na ito ah ". Sabi ko kay Tricia na nasa labas ng cubicle na pinagpalitan ko. 

Gosh. ! Never pa akong nag two piece !. 
Cream ang color ng two piece na suot ko. 

"Ate bagay yan sayo noh kasi makinis ang kutis mo. Atsaka ayaw mo nun , mas mai-inlove si kuya sayo " anito sa labas ni tricia. 

Alangan pa rin ako. Parang ayoko tuloy lumabas. 

"Okay. Oh eto . Ikaw na magsuot " anito na iniabot sa taas ng cubicle ang pinampatong nito sa suot. 

Mabilis ko iyong kinuha saka sinuot. 

Yan , eh di mas okay. Isip ko. Saka lumabas. 

"Hmmnn. Para kang galing honeymoon. "Nangingiting sabi nito. 

Nginitian ko lang sya saka kami lumabas at bumalik sa cottage. 

Wala na roon si Tristan ng pagdating namin. 

Nagtatakang hinanap ko siya sa paligid. 

"Ate ang hinahanap mo. Ayun oh . " 

Napatingin ako sa itinuro ni Tricia. 

Nag-iba bigla ang timpla ng mukha ko. 

Si Shasnie , malanding nagpapaturo kay Tristan kung paano mag swimming. 

Napakapit ako ng mahigpit sa suot.. 

Lunurin ko kaya ang babaeng yun. 

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon